Ogie Diaz, sinabing totoo ang pahayag ni Liza: "Nakikipagkita siya sa psychiatrist noon"

Ogie Diaz, sinabing totoo ang pahayag ni Liza: "Nakikipagkita siya sa psychiatrist noon"

  • Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz ukol sa kontrobersyal na naging pasabog kamakailan ni Liza Soberano
  • Lalo na at may mga nagsasabi na tila nabanggit ang pangalan ni Ogie sa bahaging may inaalayan ng cake si Liza
  • Ani Ogie, totoo umano ang mga naging pahayag ni Liza ukol sa kanyang masalimuot na pinagdaanan noong siya't bata pa lamang
  • At sa pagkakaalam niya'y nakikipagkita pa raw ito sa psychiatrist noon

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng pahayag ang talent manager at host na si Ogie Diaz hinggil sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza Soberano kamakailan.

Ogie Diaz, sinabing totoo ang pahayag ni Liza: "Nakikipagkita siya sa psychiatrist noon"
Liza Soberano (Can I come in?)
Source: Youtube

Ito ay matapos umani ng usap-usapan ang bahagi kung saan tila nabanggit ang pangalan ni Ogie nang may inaalayan ng cake ang aktres.

Ayon kay Ogie, totoo ang mga ibinahaging kwento ni Liza. Sa katunayan, matagal na raw niyang alam ang ilan sa mga ito dahil personal na naikwento ng aktres sa kanya noong siya pa ang humahawak dito bilang manager.

Read also

Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"

“Ako ha, naawa ako, at the same time ang tapang. Napakatapang ni Liza Soberano,” ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipinaliwanag ni Ogie na bilang manager, tungkulin niyang alamin ang pinagmulan at personal na karanasan ng kanyang alaga upang mas maintindihan ang kanilang ugali at pinanggagalingan.

“Naikwento ‘yan ni Liza sa amin. Syempre ‘pag tatanggap ka ng talent ano, kailangan mong malaman ‘yung talambuhay niya... Totoo ‘yun. Akala ko nga ikukwento ni Liza yung kasi pag may nagreregalo sa kanya ng dolls ayaw niya.”

Dagdag pa ni Ogie, ibinahagi rin noon ni Liza ang ilan sa mga mapait na karanasan sa kanyang kabataan.

“Dati raw parang ikinulong siya sa bodega, o sa isang kwarto na hindi siya pinalabas. At doon punung-puno ng dolls. Saka nawi-weirdohan din daw siya doon sa tray ng itlog. So madami siyang ganu’n na siyempre kailangan as a manager intindihin mo kung saan nanggagaling ‘yung bata ano.”

Bunga raw ng mga karanasang ito, naging natural kay Liza ang mabilis na pag-arte at pagpapalabas ng emosyon sa harap ng kamera.

Read also

Ogie Diaz, pinuri pa rin si Liza; subalit kapansin-pansin umano ang pagbabago nito

Gayunpaman, nilinaw ni Ogie na hindi niya binabale-wala ang naging pahayag ni Liza. Lalo na at dahil umano rito nakikipagkita noon si Liza sa isang psychiatrist.

“Kami ni Tita Jonie na kumbaga parang guardians ni Liza hindi naman kami mga doktor e. Alam ko rin naman na nakikipagkita siya sa psychiatrist noon. Diba nakakatulong-tulong ‘din naman yun. Pero ngayon syempre nag-iba na. Grabe yung pag-ikot ni Liza, 360 degrees. Hindi mo makikita ‘yung dating Liza e sa Liza na napanood mo sa vlog.”

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Read also

Ice Seguerra, emosyonal na nagbahagi ng pinagdaraanan matapos pumanaw ang ina

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Noong nakaraang taon, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito. Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica