Ogie Diaz, pinuri pa rin si Liza; subalit kapansin-pansin umano ang pagbabago nito

Ogie Diaz, pinuri pa rin si Liza; subalit kapansin-pansin umano ang pagbabago nito

  • Napuri pa rin ni Ogie Diaz si Liza Soberano sa kabila ng mga naisiwalat nito sa kontrobersyal na vlog niya kamakailan
  • Aniya, totoo umano ang mga ito at bilang manager ay minsan na niyang inalam ang tungkol sa mga naisiwalat na pinagdaanan ng aktres
  • Gayunpaman, kailangan din niya umanong tanggapin na nagbabago ang tao tulad ng kapansin-pansin umanong pagbabago ni Liza
  • Kamakailan, mabilis na naging usap-usapan ang vlog ni Liza sa YouTube channel na 'Can I come In?' kung saan naisiwalat niya ang masalimuot na pinagdaanan noong siya'y bata pa

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Agad na naglabas ng pahayag si Ogie Diaz hinggil sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano na inilabas sa YouTube channel na “Can I Come In?”, kung saan ibinahagi ng aktres ang ilan sa masalimuot na karanasan noong siya’y bata pa.

Ogie Diaz, pinuri pa rin si Liza; subalit kapansin-pansin umano ang pagbabago nito
Ogie Diaz and Liza Soberano (Ogie Diaz FB/ Can I come In? YT channel)
Source: Facebook

Ayon kay Diaz, totoo umano ang mga naisiwalat ni Liza at bilang dating manager nito, ay minsan na rin niyang inalam at sinubukang unawain ang pinagmulan ng aktres.

Read also

Ogie Diaz sa pangalang binigkas ni Liza sa kontrobersyal na vlog: "Feeling ko hindi ako ‘yun"

“Totoo ‘yun. Akala ko nga ikikuwento ni Liza yung kasi pag may nagreregalo sa kanya ng dolls ayaw niya,” ani Ogie.

“Dati raw parang ikinulong siya sa bodega, o sa isang kwarto na hindi siya pinalabas. At doon punung-puno ng dolls. Saka nawi-weirdohan din daw siya doon sa tray ng itlog. So madami siyang ganu’n na siyempre kailangan as a manager intindihin mo kung saan nanggagaling ‘yung bata.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya pa, ang mga sugat na ito mula sa nakaraan ni Liza ang nagpatibay dito bilang isang mahusay na aktres na madaling makapagpaluha sa mga eksena.

“Parang gusto ko ‘tong i-attribute bilang bubog niya kung bakit mahusay siyang umarte, bakit madali siyang makapagpatulo ng luha.” Kaya alam mo, hindi ko para i-invalidate ‘yung mga nararamdaman yung mga pronouncements ni Liza, siya yun e.”

Gayunpaman, iginiit ni Diaz na malinaw ang malaking pagbabago kay Liza sa kasalukuyan.

“Grabe yung pag-ikot ni Liza, 360 degrees. Hindi mo makikita ‘yung dating Liza e sa Liza na napanood mo sa vlog. I am open to changes and people change. Kailangang matanggap ko ‘yun na nagbabago ang tao, nagbabago ‘yung pananaw niya, perspektibo niya, yung outlook niya, yung behavior niya,” paliwanag ng manager.

Read also

Ogie Diaz, sinabing totoo ang pahayag ni Liza: "Nakikipagkita siya sa psychiatrist noon"

Dagdag pa niya, hindi niya inaalis ang katotohanan sa mga ibinahaging kwento ni Liza, sapagkat iyon ay bahagi ng buhay ng aktres. “Kami ni Tita Jonie na kumbaga parang guardians ni Liza hindi naman kami mga doktor e. Alam ko rin naman na nakikipagkita siya sa psychiatrist noon. Diba nakakatulong-tulong din naman ‘yun.”

Tungkol naman sa tila pahayag ni Liza na napilitan lamang siyang pumasok sa showbiz, paglilinaw ni Diaz:

“Eto kwento ko naman ‘to. Gusto niya talagang mag-artista.”

Sa huli, pinuri pa rin ni Diaz ang naging takbo ng karera ni Liza sa kabila ng lahat.

“Alam mo ang importante nalang dito, nabigyan si Liza ng magandang buhay ng industriyang ito. ‘Yun lang naman ‘yun,” pagtatapos niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Read also

Sabrina M, naghihintay ng public apology mula kay Vice Ganda

Sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano sa YouTube channel na Can I come in? Naging usap-usapan ng publiko ang na-bleep na pangalang nabanggit ni Liza habang nag-aalay ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya. Sinasabi ng marami na tila "Ogie" ang pangalan bagay na pakiramdam mismo ni Ogie Diaz ay hindi siya ang tinutukoy ng dating alaga.

Noong nakaraang taon, napabalitang wala na umano sa pangangalaga sa Careless management si Liza. Ito ay matapos mapansin ng netizens na hindi na umano naka-follow si Liza sa Careless management maging kay James Reid na umano'y naging manager niya rito. Sinundan naman ito ng naging pahayag ni Ogie Diaz, na dating talent manager ni Liza kung saan nasabi nitong nanghihinayang umano siya sa naiwang career ng dating alaga sa Pilipinas. Sana'y itinuloy pa rin niya ito habang patuloy na sumusubok sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica