Palitan nina Sue Ramirez at Dominic Roque tungkol sa pagiging maswerte, kinakiligan

Palitan nina Sue Ramirez at Dominic Roque tungkol sa pagiging maswerte, kinakiligan

  • Si Sue Ramirez ay labis na nagpakilig sa social media dahil sa kanyang panibagong post
  • Kamakailan ay muling nag-travel si Sue kasama ang kanyang nobyo na si Dominic Roque
  • Sa Instagram page niya , ipinasilip ni Sue ang sweetness at pagiging cozy nila ni Dominic
  • Ngunit ang labis na nagpa-viral sa picture ay ang palitan nila tungkol sa pagiging "swerte"

Si Sue Ramirez, isang kilalang Filipina actress, ay muling nagpakilig sa social media page niya matapos ibahagi ang ilang sweet photos nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Palitan nina Sue Ramirez at Dominic Roque tungkol sa pagiging maswerte, kinakiligan
Palitan nina Sue Ramirez at Dominic Roque tungkol sa pagiging maswerte, kinakiligan (@sueannadoodles)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram account, nag-upload si Sue ng isang gallery na puno ng mga kuhang larawan mula sa kanilang isa sa mga travel bonding. Makikita sa mga litrato ang dalawa na todo sa pagiging cozy at cute habang magkasama, bagay na ikinatuwa ng kanilang mga fans.

Ngunit higit pa ngang nagpa-viral sa naturang post ay ang nakakakilig na palitan nila ng komento online. "Haaay ang swerte ko hehehe. Happy Sunday, everyone!" ang caption ni Sue, na agad namang sinagot ni Dominic sa comments section ng post na ito ng, "Swerte ko naman."

Read also

Rufa Mae Quinto, nag-post ukol sa "celebration of life" para sa mister niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa kanila, nakisali rin sa kasayahan si Christiana Collings, matagal nang kaibigan ni Dominic, na nag-iwan ng touching note para sa couple. "Lord, paki-ingatan nga 'tong dalawang 'to, please," komento ni Christiana sa Instagram, na sinagot naman ni Sue ng, "Thank you, milay."

Hindi rin nagpahuli ang ilang netizens sa pagbibigay ng kanilang reaksyon. Isang fan nga ang napa-comment ng, "Pogi naman ng boyfriend mo, Sue, hahahaha," na sinagot agad ng aktres ng, "Sobra po." Dahil dito, labis na natuwa ang mga 'DominSue' fans na muling nasilayan ang sweetness ng dalawa. Marami ang umaasang mas lalo pang tatagal at titibay ang relasyon nila.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Palitan nina Sue Ramirez at Dominic Roque tungkol sa pagiging maswerte, kinakiligan
Screenshot mula sa Instagram ni @sueannadoodles
Source: Instagram

Si Sue Ramirez ay isang kilalang Filipina actress at singer. Pumasok siya sa showbiz noong 2010 nang masali siya sa Star Magic, at agad naman na nagtamo ng mga supporting roles sa palabas gaya ng Mula sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, at Dolce Amore. Sa paglipas ng panahon, naging lead actress si Sue at umangat sa local show business. Naging pangunahing kontrabida pa nga si Sue sa The Broken Marriage Vow kung saan nakatanggap siya ng labis na papuri mula sa mga viewers dahil sa kanyang nakakabilib at mahusay na pagganap bilang si Lexy Lucero.

Read also

Ilang pasilip sa 50th birthday celebration ni Carmina Villaroel, viral

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Sue Ramirez dahil sa kanyang posts. Sa Threads, ibinunyag ni Sue ang mga "habits" na kanya nang binitawan na for good. Aniya pa nga ng aktres, akala niya noon ay mahihirapan siyang tanggalin ang mga ito. Gayunpaman, nagawa niya ito, at marami ang talagang bumilib sa kanyang determinasyon kung kaya't siya ay pinuri.

Samantalang ay nagbahagi naman si Sue Ramirez ng ilang mga larawan at video sa Instagram mula sa pagbisita niya sa Hong Kong Disneyland kasama ang nobyo na si Dominic Roque. Kabilang sa mga post ng aktres ang mga malalambing na caption gaya ng "Anywhere with you… Kahit sa space pa "yan," at "Hi, baby," na nagpapakita ng sweetness ng magkasintahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco