Ice Seguerra, emosyonal na nagbahagi ng pinagdaraanan matapos pumanaw ang ina

Ice Seguerra, emosyonal na nagbahagi ng pinagdaraanan matapos pumanaw ang ina

  • Kinumusta ni Toni Gonzaga si Ice Seguerra mahigit isang buwan mula nang pumanaw ang ina nito
  • Emosyonal na naikwento ni Ice ang kanyang pinagdaanan ngayong wala na ang kanyang Mommy Caring
  • Aminado si Ice na hindi naging madali ang pagkawala ng ina na malaking bahagi ng kanyang pagkatao
  • June 27 nang pumanaw ang ina ni Ice Seguerra at nagkaroon ng gig ng July 5 kung saan hinandugan niya si Mommy Caring ng espesyal na awitin

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kinumusta ni Toni Gonzaga si Ice Seguerra mahigit isang buwan mula nang pumanaw ang ina nito na si Mommy Caring.

Ice Seguerra, emosyonal na nagbahagi ng pinagdaraanan matapos pumanaw ang ina
Ice Seguerra (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Emosyonal na naikwento ni Ice ang kanyang pinagdaanan ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina.

Hunyo 27 nang pumanaw si Mommy Caring at Hulyo 1 ito na-cremate.

Pagkaraan lamang ng apat na araw, Hulyo 5, nagkaroon agad ng gig si Ice kung saan inialay niya ang kantang “Everything I Own”, ang paboritong awitin ng kanyang ina.

Read also

Sabrina M, naghihintay ng public apology mula kay Vice Ganda

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado si Ice na hindi naging madali ang pagkawala ng ina na malaking bahagi ng kanyang pagkatao. “’Pag iniisip ko nga like honestly, hindi ko alam kung pano ko siya lalampasan,” ani Ice.

Dagdag pa niya, “She was really present e from the beginning hanggang sa dulo. Like even maliliit na gigs nandun siya.”

Sa kanyang unang pagtatanghal matapos ang pagpanaw ng ina, inilarawan ni Ice ang bigat ng emosyon na kanyang naramdaman. “The first gig na ginawa ko, talagang medyo wasak na wasak ako,” aniya.

“Right now andun ako sa process na hindi ko ma-pin point ano ba talaga ‘yung nawawala sa’kin pero alam ko malaki,” pahayag ni Ice. “Sometimes it really hits you. Before, I really enjoyed the quiet but now, when she passed parang ayoko nang tahimik. Sometimes when it’s too quiet like you feel the void.”

Sa kabila ng sakit, nanatiling alaala para kay Ice ang presensya at suporta ng kanyang ina hanggang sa huli.

Read also

Liza Soberano, emosyonal sa pagbabalik-tanaw: “I was the family dog”

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Ice Seguerra ay isang mang-aawit at aktor sa Pilipinas. Naging tanyag siya nang mapasama siya sa Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami. Siya ay produkto ng Little Miss Philippines na bahagi ng nasabing noontime show, kung saan tampok ang mga cute at talentadong batang babae na nagiging kalahok upang ipakita ang kanilang talento at magbigay ng saya at inspirasyon sa mga manonood.

Sa naunang ulat ng KAMI, hindi napigilang mag-react ni Ice tungkol sa kumalat na pekeng balita laban sa kanya. Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Ice ang isang social media post tungkol sa maling impormasyon na nagsasabing siya raw ay buntis. Sa caption, nilinaw at pinasinungalingan ng singer-songwriter ang naturang balita. Nagpatawa pa si Ice sa pamamagitan ng pagbibiro tungkol sa kanyang tiyan.

Samantala, labis ang hinagpis ni Ice sa pagpanaw ng kanyang si Mommy Caring noong Hunyo 27. Isang madamdaming post ang kanyang naibahagi bilang pagpapahayag ng pamamayapa ng kanyang pinakamamahal na ina. Ibinuhos ni Ice ang saloobin sa pagpanaw ng ina na buong buhay niya'y nakasuporta, umunawa at nagmahal sa kanya ng sobra-sobra.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica