Pasilip sa 'Snow White' themed birthday party ng anak ni Angeline Quinto na si Sylvia, viral
- Si Angeline Quinto at Nonrev Daquina ay nagdaos ng bonggang party para kay Baby Sylvia
- Para sa 1st Birthday nito, nag-throw sila ng isang Snow White themed birthday celebration
- Ibinahagi naman ni Dave Sandoval ang ilang sulyap mula sa napakasayang party ni Sylvia
- Aniya pa ng celebrity events stylist sa kanyang opisyal na page, "Fairytales do come true"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina ay nagdaos ng isang napakaganda at enggrandeng Snow White-themed birthday celebration para sa kanilang anak na si Baby Azena Sylvia, na agad namang ikinatuwa at ikinagiliw ng kanilang mga fans at supporters sa social media platforms.

Source: Instagram
Noong Friday, August 15, ibinahagi ni Dave Sandoval sa kanyang opisyal na Instagram ang isang video na nagbibigay ng ilang silip sa unang kaarawan ni Baby Sylvia. Mula sa mga red roses at iba't ibang woodland creatures na nagsilbing dekorasyon sa mga tables, hanggang sa mala-garden at mala-fairytale na setup ng venue, maraming netizens ang namangha sa kanyang obra.
Mas lalo pang naging katuwa-tuwa ang selebrasyon nang makitang ang buong pamilya nina Angeline ay naka-outfit na swak na swak sa fairytale vibe at aesthetic ng kaarawan ni Sylvia.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang caption, isinulat ni Dave na talagang "fairytales do come true" daw lalo na nga para kay Sylvia: "Fairytales do come true: It was a Snow White theme for Sylvia's first birthday party, with woodland creatures, flowers, and of course, apples! Thankful for the trust given by @nonrevdaquina and @loveangelinequinto to style this milestone event for my inaanak."
Samantala, sa comment section, marami ang bumati kay Baby Sylvia sa kanyang espesyal na araw at nagpahayag din ng papuri para kay Dave at sa kanyang pagdedekorasyon ng event.
"Ang ganda! Kabog, parang debut na ni Baby Sylvia," aniya pa nga ng isang netizen sa post.
Panoorin ang video sa baba:
Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang unang karanasan sa eroplano noon. Nataranta siya dahil sa usok sa loob ng eroplano na kalaunan ay nalaman niyang harmless. "Biglang may umusok sa loob ng plane, nataranta ako, normal lang pala yun," ani niya. Inakala rin niyang "jetlag" ang hilo noon sa kanyang flight.
Samantalang tuwa-tuwa ang mga tagahanga ni Angeline Quinto sa social media. Sa Instagram, nag-post kasi si Angeline ng mga larawan ng kanyang panganay na anak na tumutulong sa kanya sa kusina. Tinawag pa niya itong sarili niyang 'Sir Chef,' habang si Sylvio ay makikitang masigasig at curious habang tumutulong sa kanyang ina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh