Jerry Yan, emosyonal sa unang pagbisita sa puntod ni Barbie Hsu

Jerry Yan, emosyonal sa unang pagbisita sa puntod ni Barbie Hsu

  • Unang beses na bumisita ni Taiwanese actor Jerry Yan sa puntod ng yumaong aktres na si Barbie Hsu, mahigit anim na buwan matapos itong pumanaw noong Pebrero dahil sa pneumonia, at naging emosyonal ang sandali sa harap ng huling himlayan ng kanyang dating co-star sa Meteor Garden
  • Ang dalawa ay minsang gumanap bilang iconic na tambalan na sina Daoming Si at Shancai sa sikat na Taiwanese drama na Meteor Garden na sumikat sa buong Asya noong early 2000s at nagbigay-buhay sa boy band na F4, kasama sina Vic Chou, Ken Chu, at Van Ness Wu
  • Dumalo rin sa pagbisita si Janet Chia, dating aktres-host na ngayo’y chairwoman ng Taipei 101, kasama ang kanyang asawa na si W^ng Chao-chieh, at makikitang pinatahan si Jerry habang binabasa nito ang nakasulat sa puntod ni Barbie Hsu
  • Naging makabuluhan ang sandaling ito para sa mga tagahanga, na itinuturing na simbolo ng matibay na koneksyon ng dalawang bituin na nagdala ng saya at kilig sa milyon-milyong manonood, at ngayon ay nagbigay-pugay sa alaala ng yumaong aktres

Read also

Magkapareha na YouTubers, namatay sa isang off-road accident

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Unang beses bumisita ni Taiwanese actor Jerry Yan sa puntod ng yumaong aktres na si Barbie Hsu, na pumanaw nitong Pebrero sa edad na 48 dahil sa pneumonia. Kilala si Hsu, o mas tanyag bilang “Big S,” bilang isa sa pinakamalaking bituin sa Taiwan, at nakilala sa buong Asya sa kanyang papel bilang Shancai sa hit drama Meteor Garden (2001–2002).

Jerry Yan, emosyonal sa unang pagbisita sa puntod ni Barbie Hsu
Jerry Yan, emosyonal sa unang pagbisita sa puntod ni Barbie Hsu (📷TVB ENTERTAINMENT NEWS/FACEBOOK)
Source: Instagram

Sa ulat ng Taiwan’s Next Apple News, dumalaw si Yan sa Chin Pao San Cemetery sa New Taipei noong Agosto 13. Kasama niya si Janet Chia, dating aktres-host na ngayon ay chairwoman ng Taipei 101, at ang asawa nitong si W^ng Chao-chieh. Makikita sa kuha na magkasama nilang binabasa ang nakasulat sa puntod ni Hsu, habang pinapahiran ni Yan ang kanyang mga luha at marahang tinatapik siya ni Chia sa balikat.

Ang pagdalaw ay naganap halos anim na buwan matapos pumanaw si Hsu. Muling naalala ng mga fans ang iconic na tambalan nina Yan at Hsu bilang Daoming Si at Shancai, na nagbigay-buhay sa Meteor Garden at kalauna’y nagpasikat sa boy band na F4 kasama sina Vic Chou, Ken Chu, at Van Ness Wu. Matapos maghiwalay ang grupo noong 2009, kamakailan lang ay nag-reunite sila sa concert ng Mayday sa Taipei at Beijing nitong Hulyo.

Read also

Post laban kay Vice Ganda, itinanggi ni Anne Curtis: “Hindi galing sa akin ‘yan”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para sa maraming tagahanga, ang simpleng pagbisita ni Yan ay isang emosyonal na pagpapaalala ng malalim na koneksyon na nabuo nila ni Hsu sa on at off camera. Bagama’t hindi sila naging magkasintahan sa totoong buhay, naging mahalagang bahagi sila ng isa’t isa sa kanilang showbiz journey.

Si Jerry Yan ay isang Taiwanese actor, singer, at model na sumikat sa buong Asya dahil sa kanyang papel bilang Daoming Si sa Meteor Garden. Ang serye ay naging kulto sa mga kabataan noong early 2000s at nagpasimula ng kilig fever sa buong rehiyon. Si Barbie Hsu naman ay isang actress, host, at singer na sumikat sa parehong proyekto, na kalaunan ay nakilala rin bilang fashion icon at TV personality.

Mahigit isang buwan matapos pumanaw, tuluyang nailibing ang abo ni Barbie Hsu sa Chin Pao San Cemetery. Ang libing ay isinagawa nang pribado at dinaluhan lamang ng pamilya at malalapit na kaibigan. Ang lugar ay kilala sa ganda ng tanawin at tahimik na kapaligiran, na ngayon ay nagsilbing huling himlayan ng aktres.

Read also

Rigo Duterte, iginiit na walang saysay ang panawagan kontra kay Vice Ganda

Maraming netizens ang humanga sa dedikasyon ni DJ Koo, asawa ni Barbie Hsu, na regular umanong bumibisita sa puntod ng aktres. Ayon sa mga nakakita, madalas niyang dalhan ng bulaklak at magdasal sa lugar. Para sa fans, ipinapakita nito ang tunay na pagmamahal at pagrespeto sa alaala ng kanyang yumaong asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate