Netizens, naantig sa araw-araw na pagdalaw ni DJ Koo sa puntod ni Barbie Hsu
- Nakita ng isang netizen si DJ Koo na nakaupo sa tabi ng puntod ni Barbie Hsu sa Chin Pao San Cemetery
- Sinabi ng netizen na araw-araw niyang nakikita roon si DJ Koo, kahit umuulan
- Nag-viral ang larawan ni DJ Koo na naka-shorts at nakaupo sa gitna ng sementeryo
- Maraming netizens ang naantig at nagsabing totoo ang pagmamahal ni DJ Koo kay Barbie Hsu
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral sa social media ang isang larawan ni Korean DJ at entertainer na si Koo Jun-yup matapos siyang mamataan sa puntod ng kanyang yumaong asawang si Barbie Hsu.

Source: Instagram
Isang netizen sa Threads ang nagbahagi ng karanasan habang hinahatid ang ilang bisita sa Chin Pao San Cemetery upang mag-alay ng bulaklak para kay Barbie. Hindi raw siya sigurado kung agad niyang matatagpuan ang puntod ng aktres, pero laking gulat niya nang makita ang isang lalaki na tahimik na nakaupo sa gitna ng sementeryo.
"I immediately thought, could that be DJ Koo? As we got closer, it really was. He politely said thank you to us," ani ng netizen. Nakasuot si DJ Koo ng shorts, sleeveless shirt, at cap habang tahimik na nakaupo malapit sa puntod. Ayon pa sa post, "To be honest, I feel full of sadness when I saw him. It is hard for me to imagine the pain of having the love of your life suddenly leaving you! He is really the most affectionate man I have ever seen. I hope he can get over the pain."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi nagtagal ay bumuhos ang mga komento mula sa netizens. Isa pa ngang netizen ang nagbahagi na palagi nilang nakikita si DJ Koo sa sementeryo tuwing dumadalaw sila sa puntod ng kanilang ama, kahit pa umuulan. Para sa marami, sumasalamin ang presensya ni DJ Koo sa puntod ni Barbie sa lalim ng kanyang pag-ibig at pagluluksa.
Si Barbie Hsu ay isang kilalang Taiwanese actress, modelo, at singer na sumikat sa buong Asia sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa hit drama na Meteor Garden noong 2001. Isa siya sa mga naging mukha ng Taiwanese drama wave na tumatak sa maraming Asian fans. Bukod sa pag-arte, naging aktibo rin siya sa hosting at endorsement deals, kaya’t naging isa siya sa pinaka-popular at matatagumpay na celebrities sa Taiwan noong 2000s.
Si Koo Jun-yup, kilala rin bilang DJ Koo, ay isang Korean entertainer, DJ, at dating miyembro ng iconic 90s duo na Clon. Noong 2022, ikinasal siya kay Barbie Hsu matapos ang higit dalawang dekadang paghihiwalay. Muli silang nagkita at nagkabalikan sa gitna ng pandemya, bagay na ikinatuwa ng kanilang fans. Ngunit nitong Hunyo 2024, pumanaw si Barbie Hsu, at mula noon ay hindi na mabilang kung ilang beses siyang namataan ni DJ Koo sa kanyang puntod.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph noong Hunyo, ibinahagi ni DJ Koo sa Instagram ang kanilang wedding anniversary ni Barbie kahit na pumanaw na ito. Ayon sa kanyang post, “Happy wedding anniversary my love. I miss you every day.” Ang simpleng mensahe ay umani ng simpatya at suporta mula sa kanilang fans at netizens.
Samantala, iniulat din ng Kami na nailibing na ang abo ni Barbie Hsu mahigit isang buwan matapos ang kanyang pagpanaw. Isinagawa ito nang tahimik at pribado sa Chin Pao San Cemetery, sa presensya lamang ng ilang piling miyembro ng pamilya. Ayon sa ulat, si DJ Koo mismo ang nag-asikaso ng ilan sa mga detalye ng seremonya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh