Emosyonal na vows nina Shaira Diaz at EA Guzman, tampok sa kanilang kasal sa Cavite

Emosyonal na vows nina Shaira Diaz at EA Guzman, tampok sa kanilang kasal sa Cavite

  • Ikinasal sina Shaira Diaz at EA Guzman sa Silang, Cavite matapos ang 12 taon ng relasyon
  • Ibinahagi ni EA ang kahalagahan ng kanilang desisyong panatilihin ang purity hanggang kasal
  • Naalala ni Shaira ang mga simpleng paraan ng pagmamahal ni EA at pagtupad nito sa pangako sa kanyang pamilya
  • Nangako si Shaira na mula ngayon ay hindi na maghihintay si EA at mamahalin niya ito habambuhay

Isang makulay at emosyonal na love story ang humantong sa altar nang ikasal sina Shaira Diaz at EA Guzman nitong Huwebes sa Silang, Cavite. Sa harap ng Diyos, pamilya, at mga kaibigan, ibinahagi ng magkasintahan ang kanilang mga wedding vows na puno ng pagmamahalan, pasasalamat, at matibay na pangako para sa isa’t isa.

Emosyonal na vows nina Shaira Diaz at EA Guzman, tampok sa kanilang kasal sa Cavite
Emosyonal na vows nina Shaira Diaz at EA Guzman, tampok sa kanilang kasal sa Cavite (📷GMA Public Affairs)
Source: Facebook

Sa kanyang panunumpa, binalikan ni EA ang kanilang 12 taong pag-iibigan — mula sa masasayang tawa at mahihirap na pagsubok, hanggang sa personal na pag-unlad nilang dalawa. “Baba, we chose a path not everyone would understand. To wait. To honor God. And to honor each other by practicing purity. It wasn’t always easy. But it was worth every moment,” ani EA, sabay diin na ang lahat ng kanilang paghihintay ay nagdala sa kanya sa “pinakamagandang reward,” na walang iba kundi si Shaira.

Read also

Ogie D, nausisa kung maaring maging manager ni Elias J. TV

Tinawag din niya ang Kapuso actress na kanyang “greatest gift” at “forever home,” sabay pangakong mamahalin ito nang walang kondisyon at pananatilihin ang katapatan habang buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, si Shaira ay hindi rin nagpigil ng emosyon habang inaalala ang mga simpleng pagpaparamdam ng pagmamahal ni EA noong sila’y nagsisimula pa lang — mula sa bulaklak at pagkain na may maliit na note na “Smile,” hanggang sa pagtupad nito sa pangako sa kanyang pamilya. “From this day forward, you’ll never have to wait again,” ani Shaira, sabay pangakong iingatan si EA bilang kanyang asawa, best friend, at pinakamalaking biyaya.

Matagal nang engaged ang dalawa mula 2021 ngunit naging public lamang ito noong 2024. Matapos makapagtapos ng kolehiyo noong Agosto ng parehong taon, tinutukan ni Shaira ang paghahanda para sa kanilang kasal. Pareho silang nagdesisyon na panatilihin ang kanilang relasyon na malinis hanggang sa araw ng kasal — isang desisyong ayon kay EA ay mahirap ngunit lubos na mahalaga sa kanila.

Read also

Kris Aquino, emosyonal sa kondisyon ng panganay habang siya’y may sakit: “Kuya is traumatized"

Si Shaira Diaz ay isang Kapuso actress at TV host na kilala sa kanyang mga palabas sa GMA Network gaya ng Unang Hirit. Si EA Guzman, isa ring Kapuso actor at singer, ay matagal nang karelasyon ni Shaira mula pa noong 2013. Ang kanilang relasyon ay isa sa mga matagal at matatag sa showbiz, na binuo sa tiwala, respeto, at pananampalataya.

Bago ang kanilang kasal, nagbahagi si Shaira ng video mula sa kanyang wedding dress fitting. May isang netizen na nagkomento ng “Bawal ata yan isukat,” na tinugunan ni Shaira nang mahinahon at may kasamang emoji na tumatawa. Nagpahayag siya na masaya siya sa proseso ng paghahanda para sa kanyang kasal at excited na isuot ang kanyang napiling gown sa malaking araw.

Naglabas ang magkasintahan ng kanilang pre-wedding photos na agad hinangaan ng netizens dahil sa mala-K-drama nitong aesthetic. Kuha sa iba’t ibang romantic at cinematic locations, ipinakita ng mga larawan ang tamis at tibay ng kanilang relasyon. Marami ang humanga sa chemistry at natural na sweetness ng dalawa, lalo na’t makikita rito ang pagiging komportable at masaya nila sa isa’t isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate