Video ng kakaibang paghahanda ni Barbie Forteza para sa intense scenes, viral na

Video ng kakaibang paghahanda ni Barbie Forteza para sa intense scenes, viral na

  • Si Barbie Forteza ay naging usap-usapan sa social media dahil sa kanyang paghahanda
  • Ipinost kasi ng GMA Network kung paano nagre-ready si Barbie para sa mga intense scenes
  • Ang kakaibang paraan ni Barbe para maghanda sa mga matitinding eksena ay nag-viral
  • Gayunpaman, marami ang pumuri sa pagiging dedicated ni Barbie sa kanyang craft at trabaho

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Barbie Forteza, isang kilalang Kapuso star, ay muling naging usap-usapan online matapos mag-viral ang video niya habang naghahanda para sa isang intense na eksena. Kamakailan, ibinahagi ng opisyal na page ng GMA Network ang 13-second clip ni Barbie na getting into the character.

Video ng kakaibang paghahanda ni Barbie Forteza para sa intense scenes, viral na
Photos: @barbaraforteza on Instagram | GMA Network on Facebook
Source: Instagram

Sa naturang video, mapapansin si Barbie na tumatalon-talon bago ang take, bagay na agad na nakatawag-pansin sa mga netizen, lalo na nga sa mga fans niya. Marami ang humanga sa Kapuso star dahil sa ipinapakitang dedikasyon nito pagdating sa kanyang craft at propesyon.

Aniya pa ni GMA, "GANITO PALA MAG-PREPARE SI BARBIE FORTEZA SA INTENSE SCENE?!"

Read also

Ice Seguerra, napasigaw habang pinapanood ang lumang video nila ni Spencer Reyes: "Kawawa"

Agad na pumatok sa mga netizens ang video na ito ni Barbie at umani na nga mahigit 2 million views ang paghahanda ni Barbie sa kanyang role, isang bagay na labis na kinaaliwan ng marami.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa comments section, bumuhos talaga ang mga papuri para kay Barbie, lalo na sa kanyang unique way of getting into character para sa mga intense scenes niya bilang si Noreen Alfonso:

"To see how far Barbie has come, nakakatuwa talaga as a fan."
"Nakakabilib talaga yung dedication ni Barbie sa craft and work niya."
"Kaya pala kapag galit siya parang hinahabol niya ang kanyang hiningal."
"Malalim na talaga knowledge niya sa acting. Kaya talgang bumabagay sa kanya kahit anong role eh, nagagawa niya ng maayos."
"Para totoo yung hingal. Diba pag galit, mabilis ang tibok ng puso and minsan we are out of breath fuming our anger. Ganern lang."

Sa kasalukuyan, bida si Barbie sa Beauty Empire kasama sina Kyline Alcantara at Ruffa Gutierrez.

Read also

Viral 'chair mishap' ni Paul Salas, ni-re-enact nina Max Collins at Bela Padilla kasama ang aktor

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Barbie Forteza ay isang Filipina actress, singer, host, at YouTuber na nakilala matapos gumanap bilang Young Jodi sa 2009 adaptation ng Stairway to Heaven ng GMA. Kalaunan, siya ay bumida sa ilang matagumpay na primetime series kabilang ang The Half Sisters, Meant to Be, Maria Clara at Ibarra, at Pulang Araw. Kilala bilang Primetime Princess, nakatanggap siya ng ilang parangal kabilang ang FAMAS at Gawad Urian, na nagpapatibay sa kanyang pangalan sa industriya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay napunta sa spotlight si Barbie Forteza dahil sa isang viral video. Kamakailan, sa Instagram, nag-post si @the_oscarbrad ng video ng reaksyon ni Barbie kay Jameson Blake. Sa clip, makikitang patakbong lumapit si Barbie kay Jameson bago siya bigyan ng mahigpit na yakap. Needless to say, natuwa at na-curious ang mga netizen sa naturang video.

Samantalang ibinahagi ni Barbie Forteza sa Toni Talks na naging maayos at hindi kasing sakit ng inaasahan ng publiko ang hiwalayan nila ni Jak Roberto. Ayon sa aktres, ipinakita ng pagiging madali ng transisyon kung gaano ka-healthy ang kanilang relasyon. Inilarawan din ni Barbie ang relasyon bilang isang masaya at nagbibigay-kasiyahang yugto ng kanyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco