Jake Ejercito, may makuwelang post matapos ipag-drive si Ellie sa school

Jake Ejercito, may makuwelang post matapos ipag-drive si Ellie sa school

  • Si Jake Ejercito ay muling pinatawa ang kanyang mga tagahanga sa social media
  • Nag-post kasi ang Kapamilya artist tungkol sa pagiging "driver" niya para kay Ellie
  • Back-to-school na kasi ang unica hija niya at mukhang siya ang designated driver nito
  • Agad namang nag-post si Jake tungkol dito na talagang kinagiliwan ng marami online

Si Jake Ejercito, isang sikat na Kapamilya actor, ay muling nagpatawa ng kanyang mga fans at followers matapos magbahagi ng nakakaaliw na post sa Facebook tungkol sa pagiging "driver" ng kanyang anak na si Ellie Ejercito dahil officially back-to-school na ito ulit ngayong taon.

Jake Ejercito, may makuwelang post matapos ipag-drive si Ellie sa school
Jake Ejercito, may makuwelang post matapos ipag-drive si Ellie sa school (@unoemilio)
Source: Instagram

Noong Monday, August 11, nag-upload si Jake ng litrato niya sa loob ng kotse, habang si Ellie ay nakaupo sa likod at abala sa paggamit ng kanyang cellphone. Ngunit ang mas nagpatawa sa mga netizens ay ang nakakatawang caption ni Jake: "First day back to school! Either she's giving me a five-star rating or checking if she can book a different driver for the rest of the school year."

Read also

Aira Lopez, biniro si Mark Leviste sa 'first year' post niya: "Wag mo ko saktan please"

Bukod sa naturang viral post sa Facebook page niya, nagbahagi rin si Jake ng isang black-and-white photo collage kasama si Ellie sa kanyang opisyal na Instagram page na @unoemilio.

Jake Ejercito, may makuwelang post matapos ipag-drive si Ellie sa school
Screenshot from @unoemilio on Instagram
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa comment section ng post, bumuhos ang mga nakakatawang reaksyon mula sa netizens:

"You're the safest driver she could ever have."
"I reckon it's the 2nd one, different driver dad?"
"How sweet it is to be driven by a father, God Bless."
"I think she'll give 5 star if there will be food and drinks provided."
"Or googling a novena — because she was willing to endure your poor driving, but she still wanted to make sure you both stayed safe."

Dahil sa natural na sense of humor ni Jake, lalo niyang napalapit sa publiko ang kanyang pagiging ama, na hindi lang responsable, kundi marunong ding magpatawa sa simpleng paraan.

Si Jake Ejercito ay isang Filipino actor, model, at personality sa social media. Anak siya nina Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Nagsimula ang pagpasok ni Jake sa industriya ng showbiz noong 2016 sa pamamagitan ng mga guest appearance sa 'Kalyeserye' ng Eat Bulaga. Mula noon, lumabas na siya sa iba't ibang teleserye gaya ng Marry Me, Marry You, The Broken Marriage Vow, at A Family Affair. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Jake na si Ellie na ipinanganak noong November 2011, mula sa aktres na si Andi Eigenmann. Bagamat naghiwalay ang magkasintahan noong 2014, patuloy silang nagkakasundo sa pagiging magulang kay Ellie.

Read also

Viral 'chair mishap' ni Paul Salas, ni-re-enact nina Max Collins at Bela Padilla kasama ang aktor

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Jake Ejercito dahil sa kanyang post. Ibinahagi kasi ni Jake ang kanyang pakikiramay ukol sa pagpanaw ni Lolit Solis, isang veteran columnist sa showbiz. Sa nasabing post, binalikan ni Jake ang mga panahong nakasalamuha niya si Manay. Aniya pa nga ng aktor, kinulit din siya noon ni Lolit na sumali sa mundo ng showbiz.

Samantalang umugong ang pangalan ni Jake Ejercito online matapos niyang diretsahang pagsabihan ang ilang netizens. Sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ni Jake ang mga screenshot ng mga malaswang komento ng ilang netizens. Kalaunan ay sinagot niya ang mga ito at pinayuhan ang mga netizens na maghintay na lang, na umani ng papuri mula sa fans.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco