Jessie J, balik ospital matapos magkaroon ng impeksyon makalipas ang kanyang cancer surgery

Jessie J, balik ospital matapos magkaroon ng impeksyon makalipas ang kanyang cancer surgery

  • Jessie J muling naospital anim na linggo matapos ang breast cancer surgery dahil sa iniindang impeksyon
  • Kinumpirma ng mga doktor na wala siyang blood clot sa baga, pero may kaunting fluid at impeksyon sa baga
  • Pinili ng singer na magpagaling na lang sa bahay dahil hindi siya komportable sa ospital
  • Bagamat hindi pa klaro ang sakit, nananatiling matatag si Jessie at sinabing ang kaniyang sense of humor ang nagbibigay lakas sa kaniya

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Jessie J on Facebook
Jessie J on Facebook
Source: Facebook

Muling dinala sa ospital si Jessie J ilang linggo matapos ang kaniyang breast cancer surgery dahil sa nararamdamang sintomas.

Sa kaniyang Instagram Story noong Agosto 2, ibinahagi ng singer na bumalik siya sa parehong ward anim na linggo pagkatapos ng operasyon.

Ayon sa kaniya, hindi inaasahan ang nangyari at may sintomas siyang naramdaman na posibleng palatandaan ng blood clot sa baga.

Mabuti na lamang daw at hindi ito blood clot.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang ilang tests, nalaman ng mga doktor na may impeksyon siya at kaunting fluid sa kaniyang baga.

Read also

Lalaki, inaresto matapos saksakin ang barbero dahil sa ‘sablay’ na gupit sa QC

Aminado si Jessie na nahihirapan siyang huminga, kaya kahit hindi pa tuluyang maayos, pinili na niyang magpagaling sa bahay bilang outpatient dahil ayaw niya talagang manatili sa ospital.

Noong Agosto 4, nagbigay ulit ng update si Jessie habang nakahiga sa kama.

Biniro niya ang mga tagasubaybay at sinabing ang tawag daw sa kaniyang kondisyon ay "Dramatic", pero agad niyang nilinaw na hindi pa rin alam kung ano talaga ang sakit niya.

Bagamat may pananakit pa rin sa dibdib at hirap sa paghinga, nananatiling matatag si Jessie at patuloy ang pagpapahinga.

Aniya, mahalaga pa ring magbigay ng update para sa mga taong nag-aalala sa kaniya.

Una niyang ibinahagi sa publiko ang tungkol sa breast cancer noong Hunyo, at mula noon ay isinusunod-sunod niya ang updates tungkol sa kaniyang paggaling.

Basahin ang artikulo na isinulat ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa ulat na ito.

Read also

Paghahanap sa ama, nauwi sa pagpanaw ng anak na tinamaan ng leptospirosis

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakalipas na ulat ng KAMI, muling naospital ang British singer na si Jessie J six weeks matapos ang huli niyang operasyon. Sa Instagram, ibinahagi ni Jessie J ang kwento na ito na ikinabahala naman ng kanyang mga tagahanga Aniya Jessie, "They ran a lot of tests, which ended up showing I have an infection." Gayunpaman, mas pinili ni Jessie na magpa-discharge at maging outpatient na lang muna.

Bago ito, ibinahagi ni Jessie J na hindi kumalat ang kaniyang cancer at emosyonal niyang inanunsyo ito sa Instagram. Nag-post ang singer ng video call kasama ang kaniyang anak mula noong gabi bago ang kaniyang operasyon, at tinawag niya itong pinakamalaking liwanag sa kaniyang buhay. Nagpasalamat si Jessie sa mga tagahanga sa kanilang dasal, pagmamahal, at positibong enerhiya habang siya ay lumalaban sa sakit. Sinabi rin niya na may isa pa siyang operasyon at panahon ng paggaling na kailangang pagdaanan, pero puno siya ng pasasalamat. Sa biro, tinawag pa niya ang sarili bilang “The LopJess monster.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)