Jennica Garcia, inaliw ang netizens sa kanyang post tungkol sa menu: "P500 mga beh"

Jennica Garcia, inaliw ang netizens sa kanyang post tungkol sa menu: "P500 mga beh"

  • Si Jennica Garcia ay kinagiliwan ng marami dahil sa kanyang post
  • Nakipagkita kasi si Jennica kina Christine at Julius Babao, pati na rin kay Jewel Mische
  • Ngunit ang di inaasahan ng marami ay ang pagpapatawa ni Jennica
  • Ipinost kasi nito ang picture niya habang namimili ng pagkain sa menu sa isang resto

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Jennica Garcia, isang kilalang aktres at celebrity mom, ay muling pinasaya ang mga netizens matapos niyang magpakita ng kanyang natural na sense of humor sa social media. Kamakailan lamang, ibinahagi ni Jennica ang ilang mga litrato mula sa kanilang meetup nina Christine at Julius Babao, at ng dating aktres na si Jewel Mische na ikinatuwa naman ng maraming fans.

Jennica Garcia, inaliw ang netizens sa kanyang post tungkol sa menu: "P500 mga beh"
Jennica Garcia, inaliw ang netizens sa kanyang post tungkol sa menu: "P500 mga beh" (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Sa kabila ng kanyang madamdaming pagninilay tungkol sa bagong pagkakaibigang nabuo sa kanila, hindi rin nawala ang kanyang nakakatawang banat na agad namang kinaaliwan ng ilan.

Sa kanyang naging post, emosyonal na inalala ni Jennica ang kanyang journey patungo sa mas malalim na pananampalataya at koneksyon sa Diyos: "There were so many times I cried out to the Lord, asking: 'Lord, do You see me? Do You really know my name? Can I truly share the gospel despite my dark and sinful past?'" Ang mensaheng ito ay umani ng papuri at suporta online.

Read also

Rufa Mae Quinto, nakiusap sa publiko ukol sa pagpanaw ng mister niya: "For the sake of our daughter"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, hindi rin nagpahuli si Jennica sa pagpapatawa. Sa kanyang Instagram story, muling ipinost ng aktres ang isang larawan kung saan siya ay nakatingin sa menu ng isang resto—na may kasamang nakakatuwang caption: "Yung naghahanap ka ng mura sa menu kasi hindi ikaw magbabayad ng bill, pero kahit chicharon bulaklak, P500 mga beh." Agad itong naging viral, at maraming netizens ang naka-relate sa kanyang biro tungkol sa umano'y presyo ng pagkain.

Sa gitna ng kanyang paglalakbay sa pananampalataya at emosyonal na pagbabahagi, patuloy pa rin si Jennica Garcia sa pagiging totoo, kwela, at nakakatawa na kinakaaliwan ng marami.

Jennica Garcia, inaliw ang netizens sa kanyang post tungkol sa menu: "P500 mga beh"
Screenshot mula sa Instagram ni @jennicagarciaph
Source: Instagram

Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.

Read also

Kim Rodriguez, nanatiling tikom ang bibig sa isyung may karelasyong politiko

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Jennica Garcia online dahil sa kanyang Instagram story. Sa nasabing post, ibinahagi ni Jennica ang isang pangyayari tungkol sa kapitbahay niya. Nanawagan na kasi ang aktres sa kanyang kapitbahay sa nasabing viral IG post na ito Gayunpaman, marami pa rin ang naaliw sa pagiging open ngunit funny ni Jennica sa post.

Samantalang ay nag-viral din si Jennica Garcia dahil sa kanyang online post kamakailan lang. Ibinahagi kasi ni Jennica sa Instagram page niya ang tungkol sa pagiging 'single-parent' niya. Sa nasabing viral post, naantig ang puso ng marami sa pasasalamat na ginawa ng aktres. Matatandaang noong 2021 ay kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco