Jennica Garcia, napa-reflect: "There were so many times I cried out to the Lord"
- Si Jennica Garcia ay naging usap-usapan dahil sa kanyang self-reflection
- Kamakailan lang ay ibinida ni Jennica ang kanyang newfound friendship
- Sa Instagram, ibinahagi ni Jennica ang pagkikita nila ni Jewel Mische at pati na rin nina Christine at Julius Babao
- Kalakip ng kanyang post ay isang mahabang reflection tungkol sa kanilang pagkakaibigan at pati na rin sa faith niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Jennica Garcia, isang kilalang aktres, ay muling nagpakita ng kanyang pagiging totoo at malapit sa Diyos sa isang makabuluhang post na ibinahagi niya nitong Sunday, August 3.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jennica ng ilang litrato kasama sina Christine at Julius Babao, at ang dating aktres na si Jewel Mische habang sila ay magkakasamang kumakain sa isang restaurant. Ngunit higit pa sa simpleng pagkikita, ang mas tumatak sa mga netizens ay ang malalim na mensaheng kalakip ng mga larawan at ng newfound friendship ni Jennica.
"There were so many times I cried out to the Lord, asking: 'Lord, do You see me? Do You really know my name? Can I truly share the gospel despite my dark and sinful past?'" ani Jennica sa kanyang post, habang inaalala ang kanyang mga naging tanong at pakikipag-usap sa Diyos noon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa pagkakaroon niya ngayon ng tunay na koneksyon kina Kuya Julius, Christine, at Jewel, napagtanto niya ang isang mahalagang katotohanan, "Through the friendship I now have with Kuya Julius, Ate Tin, and Jewel, I've come to realize that Jesus saw every kneel, every moment of repentance, every tear I've shed, and still sheds with me to this day. When you come to the Lord in the rawest, most honest version of yourself, fully admitting you can't do it on your own... That's when He surrounds you with His people," ibinahagi ni Jennica sa kanyang post sa Instagram.
Ang kanyang mga salita ay talagang nagsilbing inspirasyon sa maraming netizens online.
Sa pagtatapos ng kanyang post, iniwan ni Jennica ang isang mensaheng puno ng pag-asa at pagmamahal para sa lahat: "Friends, it's not easy. But I've come to understand that we were never meant to be equal with God and He knows that. And still... He loves us. In spite of and despite."
Swipe left para makita ang iba pang pictures:
Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Jennica Garcia online dahil sa kanyang Instagram story. Sa nasabing post, ibinahagi ni Jennica ang isang pangyayari tungkol sa kapitbahay niya. Nanawagan na kasi ang aktres sa kanyang kapitbahay sa nasabing viral IG post na ito Gayunpaman, marami pa rin ang naaliw sa pagiging open ngunit funny ni Jennica sa post.
Samantalang ay nag-viral din si Jennica Garcia dahil sa kanyang online post kamakailan lang. Ibinahagi kasi ni Jennica sa Instagram page niya ang tungkol sa pagiging 'single-parent' niya. Sa nasabing viral post, naantig ang puso ng marami sa pasasalamat na ginawa ng aktres. Matatandaang noong 2021 ay kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh