Maxene Magalona sa naging pag-uusap nila ng kanyang ina: "I finally see my mom"
- Si Maxene Magalona ay muling hinangaan ng publiko dahil sa kanyang kwento
- Kamakailan ay nag-post kasi siya ng selfie kasama ang ina niya na si Pia Magalona
- Kasama sa post na ito ay isang taos-pusong kwento sa naging pag-uusap nila ni Pia
- Aniya Maxene sa Instagram, "Last night, I had the best conversation with my Mama"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Maxene Magalona, isang actress at wellness advocate, ay muling hinangaan ng publiko matapos magbahagi ng isang taos-pusong kwento tungkol sa kanyang ina na si Pia Magalona.
Noong Sunday, August 3, nag-post si Maxene sa kanyang Instagram ng isang emosyonal na mensahe matapos niyang bisitahin ang kanyang ina habang ito ay nagbe-babysit ng mga apo.

Source: Instagram
"Last night, I had the best conversation with my Mama @piamagalona. I paid her a visit as she was staying at my sister's place to babysit her adorable kids. My intuition told me to spend time with her because I genuinely missed having one on one time with her," panimula ni Maxene.
Ikinuwento rin niya na ang sumunod na nangyari ay tila isang "magical" na karanasan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"We were able to speak to each other with so much calmness and mindfulness. We talked about how much we've learned in life and analyzed why we were the way we were when we were younger. We were holding space for each other without judgment or fear. It was a very healing experience for the both of us," dagdag pa niya. Makikita sa kanyang mensahe ang malalim na pagre-reflect at ang emosyonal na pagbabalik-tanaw sa kanilang relasyon bilang mag-ina.
Sa kalagitnaan ng kanyang post, ibinahagi ni Maxene ang kanyang bagong pananaw tungkol sa kanyang ina: "I finally see my mom for the beautiful soul that she really is. She is just like me — a human being with a big heart. We are the same but we grew up in different times. I used to have a lot of anger and frustration towards my childhood because I felt like things could've or should've been better. But now I've realized that everything is in perfect order," aniya Maxene sa online post.
Sa pagtatapos ng kanyang post, ipinahayag ni Maxene ang kanyang wagas na pagmamahal kay Pia: "It's not Mother's Day nor is it my mom's birthday. It's just an ordinary day made extraordinary by the grace of God. I love you forever, Mama," ibinahagi ng aktres sa kanyang opisyal na page.
Si Maxene Magalona ay isang kilalang Filipina actress, host, at mental health advocate. Siya ay anak ng batikang rapper na si Francis Magalona at Pia Arroyo. Nagsimula ang kanyang karera sa telebisyon bilang bata sa Ang TV at 5 and Up. Sa kasalukuyan, kilala si Maxene bilang yoga at meditation teacher at isang vocal na mental health advocate. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Rob Mananquil noong 2018 sa Boracay. Subalit, noong 2022, kinumpirma niya na siya ay single na muli sa isang interview at sinabing "mutual decision" ang kanilang paghihiwalay.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay tila naaliw si Maxene Magalona sa isang headline tungkol sa kanya. Noong July, nag-post si Maxene sa kanyang Instagram ng mga photos. Kasama rito ang isang screenshot ng nasabing headline tungkol sa aktres. Aniya Maxene, ito raw ata ang pinaka-favorite niyang headline tungkol sa kanya na labis din namang kinagiliwan ng marami online.
Samantalang kinumpirma ni Maxene Magalona ang kanyang relasyon sa DJ at videographer na si Geoff Gonzalez sa pamamagitan ng post sa Instagram, kung saan tinawag niya ito bilang "partner." Ang kumpirmasyong ito ay kasunod ng anunsyo ni Maxene noong 2022 na siya ay single na. Sa mga update niya sa social media, makikita ang kanyang self-discovery journey.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh