Pasabog na entrance ni Ai-Ai Delas Alas sa red carpet ng GMA Gala 2025, usap-usapan
- Si Ai-Ai Delas Alas ay muling pinatunayan ang kanyang flair for drama at fashion
- Kamakailan ay dumalo kasi si Ai-Ai sa GMA Gala 2025 na ginawa sa Manila Marriott Hotel
- Nang makarating sa event, marami ang nagulat sa look ni Ai-Ai para sa red carpet
- Ngunit mas nawindang ang lahat nang ito ay mag-outfit change sa harap ng maraming tao
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Ai-Ai Delas Alas, ang tinaguriang Comedy Queen ng Pilipinas, ay muling pinatunayan ang kanyang flair for drama at fashion matapos siyang maging sentro ng atensyon sa GMA Gala 2025.

Source: Facebook
Sa isang viral na moment na umani ng samu't saring reaksyon, gumawa ng kakaibang pasabog si Ai-Ai sa red carpet matapos ang bongga niyang outfit change na talaga namang pinag-usapan.
Sa mga video na kumalat, makikitang dumating si Ai-Ai sa red carpet na nakasuot ng huge at dark na cape na nakatakip sa buong katawan niya — mula ulo hanggang paa. Ang nasabing cape ay may mga written words na design na tila bahagi ng kanyang mensahe o konsepto para sa gabi.

Read also
Palitan nina Sofia Andres at Alex Gonzaga ukol sa binili ng huli, kinaaliwan: "Birthday ko"
Ngunit ang tunay na sorpresa ay nang marating niya ang red carpet at dahan-dahang tinanggal ang cape, at ipinakita ang bonggang black-and-silver ensemble niya na ikinamangha ng marami.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Ai-Ai sa designer na nasa likod ng napakagandang gown, "I am grateful to my incredible designer PAM OKEEFE Couture Los Angeles @pamokeefe.official from bringing this dream gown into life... A heartfelt thank you to everyone who helped behind the scene." Ang kanyang transformation ay hindi lamang nagpapakita ng kanyang pagiging palabiro at theatrical, kundi pati na rin ng kanyang huge commitment sa artistry at fashion.
Dahil sa kakaibang atake niya sa red carpet para sa GMA Gala ngayong taon, marami sa mga netizens ang talaga namang pumuri kay Ai-Ai dahil sa kanyang pagiging fearless at creative.
Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay na-miss kamakailan lang ni Ai-Ai Delas Alas ang United States. Sa Instagram, ibinahagi kasi ni Ai-Ai ang nangyari sa kanya. Aniya Ai-Ai, dinala kasi niya si Sailor sa isang establishment. Ngunit hindi niya napansin na bawal pala ang mga furbabies dito kaya sila ay pinalabas ng staff matapos niyang mag-order.
Samantalang nag-viral sa social media si Ai-Ai Delas Alas dahil sa kanyang nakakaaliw na post. Sa Instagram, ikinuwento niya na nagpunta sila ng kanyang anak na si Sancho sa Divisoria. Ngunit, habang sila ay nasa Divisoria, may ikinuwento si Ai-Ai tungkol sa isang tindera. Aniya pa nga niya, "parang ewan" daw ang ilang mga pangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh