Rufa Mae Quinto, nakiusap sa publiko ukol sa pagpanaw ng mister niya: "For the sake of our daughter"

Rufa Mae Quinto, nakiusap sa publiko ukol sa pagpanaw ng mister niya: "For the sake of our daughter"

  • Muling naglabas ng pahayag si Rufa Mae Quinto tungkol sa pagpanaw ng mister niya
  • Sa Facebook, nakiusap ang aktres na respetuhin ang privacy niya at ng kanilang anak
  • Aniya Rufa, sana ay hindi rin gamitin ang pagpanaw ni Trevor Magallanes bilang content
  • Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang aktres sa mga taong nakikiramay sa kanila

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naglabas ng isang emosyonal at taos-pusong pahayag si Rufa Mae Quinto, kilalang aktres at komedyante, tungkol sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawa na si Trevor Magallanes.

Rufa Mae Quinto, nakiusap sa publiko ukol sa pagpanaw ng mister niya: "For the sake of our daughter"
Photos: Rufa Mae Quinto Magallanes on Facebook
Source: Facebook

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook, ibinahagi ni Rufa ang ilang mga lumang larawan nila ni Trevor at ng kanilang anak na si Athena sa iba't ibang yugto ng kanilang buhay bilang pamilya.

Kasama ng mga larawang ito ay ang isang mensahe ni Rufa na puno ng pasasalamat at pati na rin pakiusap para sa privacy at respeto. "Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay. As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone," panimula niya sa kanyang now-viral post sa app.

Read also

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

Sa naturang post, mariin din ang pakiusap ni Rufa na huwag gamitin ang pagpanaw ng asawa niya bilang paksa para lamang makagawa ng content sa social media. Aniya, bilang asawa ni Trevor, siya lamang ang may karapatang maglabas ng impormasyon hinggil sa pagpanaw nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nakikiusap ako na huwag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng 'content.' As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras," ani Rufa Mae online.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si Rufa sa publiko na huwag mag-spread ng unverified information lalo na at maaaring makita ito ni Athena. "For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media. Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev," wika niya.

Read also

Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'

Sa ngayon ay patuloy ang pakikiramay ng mga netizens kay Rufa Mae Quinto. Hiling ng marami ang katahimikan at kapanatagan ng kanyang pamilya sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong April, kinilig ang mga fans sa masayang pagkikita nina Rufa Mae Quinto at Anne Curtis. Sa Bacolod-Silay International Airport, nagkasalubong ang dalawa kung saan masayang niyakap ni Rufa si Anne. Ibinahagi rin ni Rufa ang nakakatuwang pag-uusap ni Anne at ng anak niyang si Athena, na talaga namang kinatuwaan ng mga netizens.

Read also

Rufa Mae Quinto, naglabas ng saloobin matapos ang pagpanaw ni Trevor Magallanes

Samantalang noong December 2024, nagbahagi si Rufa Mae Quinto ng isang nakaaantig na throwback photo sa kanyang Instagram. Ipinakita sa litrato ang masayang alaala nila ng kanyang yumaong ama. Kalakip ng larawan, isinulat ni Rufa Mae ang isang maikli ngunit taos-pusong caption na tumimo sa damdamin ng maraming netizen, lalo na sa kanyang mga fans.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco