Reaksyon ni Daniel Padilla sa 'pagod na ako' trend, kinaaliwan ng marami

Reaksyon ni Daniel Padilla sa 'pagod na ako' trend, kinaaliwan ng marami

  • Marami ang talagang naaliw kay Daniel Padilla dahil sa reaksyon nito sa isang trend
  • Habang iniinterbyu siya ng press, nabanggit ni MJ Marfori ang 'Pagod na Ako' na trend
  • Ang reaksyon ni Daniel nang marinig ang tinutukoy na trend ni MJ ay umani ng reaksyon
  • Dahil dito, marami ang nag-iwan ng mga nakakatawang komento sa post na ito ni MJ

Si Daniel Padilla, isa sa mga kilalang Kapamilya aktor, ay naging usap-usapan online matapos makuhanan ng video ang kanyang nakakaaliw na reaksyon sa viral na 'Pagod na Ako' trend. Sapul kasi ang natural at inosenteng reaksyon mula kay Daniel na umani ng tawa sa netizens.

Reaksyon ni Daniel Padilla sa 'pagod na ako' trend, kinaaliwan ng marami
Photos: @supremo_dp, @mjmarfori on Instagram
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ng entertainment reporter na si MJ Marfori, makikitang kasama niya ang ilang miyembro ng press habang kinakausap si Daniel tungkol sa nasabing trend. Maririnig sa video si MJ na nagsabi ng, "Yung pagod na pagod? 'Jo, ano? Pagod ka na?'" habang nakangiti.

Read also

Marco Gumabao, napa-"oh no" sa pagkasa ni Nadine Samonte sa 'pagod na ako' trend

Ilang segundo munang natahimik si Daniel bago siya napangiti nang maproseso ang tinutukoy.

Sa kabila ng hindi niya direktang pagkokomento tungkol sa trend, kinaaliwan ng netizens ang kanyang naging reaksyon nang banggitin ni MJ sa kanya ang nasabing trend sa social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umani agad ng iba't ibang komento ang video mula sa mga netizens na aliw na aliw kay Daniel:

"In fairness, ang cute po ng reaction niya haha!"
"BWAHAHAHAHAHAHA Grabe yun tawa ko kay DJ."
"Hala, sana pinarinig niyo yung trending na audio nun."
"UY HAHAHAHAHA WALA SIYANG KAALAM-ALAM DUN."
"Nung nag-sink in na, dun talaga ako natawa sa video hahaha."

Mahalagang banggitin na ang 'Pagod na Ako' trend ay mula sa isang eksena sa 2018 na hit drama film The Hows of Us, na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa viral na audio online, maririnig ang emosyonal na eksena ng kanilang confrontation sa nasabing pelikula.

Read also

Janica Nam, ibinunyag ang kanyang pagbubuntis sa isang cute na video: "Oops"

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Daniel Padilla ay isang Filipino actor, singer, at model sa Pilipinas. Siya ay anak nina Karla Estrada, isang aktres at mang-aawit, at Rommel Padilla, na isang dating aktor at politiko. Una siyang sumikat sa teleseryeng Growing Up noong 2011, ngunit mas lalo siyang naging tanyag nang gumanap bilang Kenji sa pelikulang She's Dating the Gangster at bilang Joaquin sa Got to Believe. Mula noon, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na proyekto sa telebisyon. Bukod sa kanyang talento sa pag-arte, kilala rin si Daniel bilang bahagi ng tambalang "KathNiel" kasama si Kathryn Bernardo, na naging isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na love team.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagkaroon ng thanksgiving party ang cast ng Incognito sa Noctos Music Bar kung saan bumida sa kantahan si Daniel Padilla kasama ang iba pang artista. Kinilig at natuwa ang fans nang marinig ang mas emosyonal at malalim na boses ni Daniel habang kinakanta ang mga OPM hits gaya ng "Ako'y Sa Iyo, Ika'y Sa Akin": at "Hanggang Kailan."

Read also

Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: “Ako duha ka anak”

Samantalang noong May, ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang ika-30 na kaarawan sa pamamagitan ng isang tree-planting initiative. Sa halip na isang traditional party, pinangunahan ng aktor ang event na ito sa Batangas. Ibinahagi ng Star Magic sa social media ang mga larawan ng matagumpay na event. Nagpahayag din si DJ ng pasasalamat sa mga sumama sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco