Rufa Mae Quinto, naglabas ng saloobin matapos ang pagpanaw ni Trevor Magallanes

Rufa Mae Quinto, naglabas ng saloobin matapos ang pagpanaw ni Trevor Magallanes

  • Inamin ni Regine Velasquez na ilang ulit na silang naghiwalay ni Ogie Alcasid sa mga unang taon ng kanilang relasyon dahil sa mga batikos at komplikasyon sa sitwasyon
  • Ayon sa kanya, ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya ni Ogie kaya’t ilang beses siyang umatras sa relasyon
  • Emosyonal niyang ikinuwento na pinanindigan siya ni Ogie, nakipaghiwalay ito ng maayos sa dating asawa bago sila naging opisyal na magkasintahan
  • Nanatiling maayos ang relasyon ni Ogie sa kanyang dating pamilya, at nagpayo rin si Regine na dapat ay bukas ang loob at handang magpatawad para sa kapakanan ng mga anak

Sa isang tapat at emosyonal na panayam kay Aster Amoyo sa programang TicTALK, muling binuksan ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang masalimuot na simula ng kanyang relasyon sa asawang si Ogie Alcasid. Ikinuwento ng batikang mang-aawit na dumaan sila sa maraming pagsubok, kabilang na ang paulit-ulit na paghihiwalay bago tuluyang pinanindigan ang isa’t isa.

Read also

Alma Moreno, umaming umiyak sa hotel room dahil sa interview kay Karen Davila

Rufa Mae Quinto, naglabas ng saloobin matapos ang pagpanaw ni Trevor Magallanes
Rufa Mae Quinto, naglabas ng saloobin matapos ang pagpanaw ni Trevor Magallanes (📷TicTALK with Aster Amoyo/YouTube)
Source: Youtube

“Andaming beses naming naghiwalay kasi ayoko na. I don't wanna ruin their family. 'Kawawa ang mga anak mo', parang ganun,” ani Regine. Ayon sa kanya, labis ang bigat ng moral na paghusga mula sa publiko dahil si Ogie ay kasal pa noon sa kanyang dating asawa na si Michelle van Eimeren. “It was the people judging us that was difficult... Malaking eskandalo ‘yun e,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng lahat, inalala ni Regine kung paano siya pinanindigan ni Ogie. “No’ng naging kami, nakipaghiwalay na siya para tama. Tinama rin naman niya yung life niya kasi ayaw din naman niya ng gano’n lang,” paglalahad ng singer. Hindi lang niya nakita ang commitment ni Ogie bilang partner, kundi pati bilang ama na nanatiling maayos ang ugnayan sa kanyang mga anak.

Patunay dito, ayon kay Regine, ay ang pagdalo nila ni Ogie sa kasal ng bagong asawa ni Michelle, at ganun din si Michelle sa kasal nila ni Ogie. Para kay Regine, ang respeto at pagpapatawad ay susi sa tahimik at magaan na co-parenting setup. “Puwede naman pala to have a relationship with the ex. You just have to be more open, to be more forgiving and willing to have a relationship,” ani Regine.

Read also

Cristy Fermin at mga co-host, nakapagpiyansa na sa kasong isinampa ni Bea Alonzo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagtatapos ng panayam, nagbigay rin siya ng payo sa mga couple na dumaraan sa kahalintulad na sitwasyon: “‘Pag hindi agad nagkakapatawaran, mas lalong mahihirapan ‘yong mga bata eh.” Para sa kanya, higit sa lahat, ang kapakanan ng mga anak ang dapat laging isaalang-alang.

Si Regine Velasquez ay tinaguriang Asia’s Songbird at isa sa pinakarespetado at pinakamatagumpay na singer sa Pilipinas. Bukod sa kanyang matagumpay na career sa entertainment, naging bahagi rin siya ng ilang musical competitions, films, at TV shows. Ikinasal siya kay Ogie Alcasid, isa ring kilalang singer-songwriter at comedian, noong 2010. Ang kanilang relasyon ay minsan nang naging sentro ng intriga ngunit kalauna’y naging isa sa mga halimbawa ng matagumpay na blended family sa showbiz.

Sa isa pang viral na sandali, pinasaya ni Regine ang isang batang babaeng aspiring singer na si Fyang Smith. Sa pamamagitan ng mensahe at suporta, pinatunayan ni Regine na bukas siya sa pagbibigay inspirasyon sa bagong henerasyon ng musikero.

Read also

Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'

Sa isa pang panayam, ibinahagi ni Regine kung gaano ka-emosyonal si Ogie sa kasal ng anak niya kay Michelle, si Leila Alcasid. “Iyak siya nang iyak sa akin,” ani Regine, at ipinakita raw nito kung gaano siya ka-proud bilang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: