Epy Quizon, nakakatanggap pa rin ng "allowance" mula sa kanyang ama na si Dolphy

Epy Quizon, nakakatanggap pa rin ng "allowance" mula sa kanyang ama na si Dolphy

  • Si Epy Quizon ay nag-guest kamakailan lang sa opisyal na channel ni Julius Babao
  • Sa kanilang one-hour long interview, nag-kwento si Epy tungkol sa kanyang tatay
  • Aniya Epy, hanggang ngayon daw ay nakakatanggap pa rin siya ng "allowance"
  • Nang magtanong si Julius tungkol dito, nagpakatotoo naman ang kilalang aktor

Kamakailan ay lumabas si Epy Quizon, isang award-winning actor, sa YouTube channel ni Julius Babao kung saan na-interview siya tungkol sa kanyang yumaong ama, ang walang kapantay na King of Comedy na si Dolphy. Sa video, naging bukas si Epy sa pagbabahagi ng ilang personal na detalye tungkol sa kanilang pamilya, lalo na sa aspeto ng negosyo at pamana ng kanilang ama.

Epy Quizon, nakakatanggap pa rin ng "allowance" mula sa kanyang ama na si Dolphy
Photos: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
Source: Instagram

Isa sa mga naging usapan ay ang pananaw ng publiko tungkol sa estado ng pamilya Quizon pagdating sa yaman. "Mali yung konsepto ng tao na, 'Ang yayaman ng mga Quizon! Bilyonaryo! Nakabenta ng mga lupas, may prangkisa ng bakeshop, may mga alak pa na galing Scotland’ kumbaga, kung tutuusin po, hindi po mayaman," pahayag ni Epy sa one-hour long na interview.

Read also

DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"

Ipinaliwanag ng aktor na bagama't malaki ang negosyo ng kanilang pamilya ay marami rin silang magkakapatid, "Malaki yung negosyo, tama, pero bente rin po kaming magkakapatid."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi rin napigilan ni Epy na ibahagi ang isang nakaaantig na katotohanan na hanggang ngayon, patuloy siyang nakakatanggap mula sa kanyang ama. "It's enough... yung mga pumapasok sa amin, is enough to call [it an] allowance from my dad. Hanggang ngayon, simula't sapul, mula nung pinanganak ako, mag-52 na po ako, nagbibigay pa rin ng allowance ang aking ama," ani Epy.

Nang tanungin kung paano ito posible, tapat niyang sagot, "Ang magic dun syempre yung legacy na iniwan niya, and tapos I'll give my hats off to my brother Eric for pushing the boundaries in what we can do." Dagdag pa niya, "Lahat. Pati yung mga anak na lumipas na, sumakabilang buhay na, yung mga anak niya, will have that share." Aniya pa nga ni Epy tungkol sa kanilang sistemang na-establish, "It's designed in a way na yung apo apo sa tuhod ng tatay ko ay makikinabang."

Read also

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"

Hindi naitago ni Julius ang kanyang paghanga matapos marinig ang mga salaysay ni Epy, "Kaya saludo tayo ano kay Tatay Dolphy." Isa lamang malinaw na patunay ito ng malalim na pagmamahal at pagpapahalaga ng yumaong Comedy King sa kanyang buong pamilya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Epy Quizon ay isang kilalang aktor, komedyante, at TV host sa Pilipinas. Anak siya ng Comedy King na si Dolphy at ng dating aktres na si Pamela Ponti. Bilang isang award‑winning actor at filmmaker, nanalo si Epy ng Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2000 para sa kanyang pagganap sa Markova: Comfort Gay. Sa kabila ng kanyang mga awards at iba pang skills, patuloy pa rin ang kanyang aktibong pag-arte sa mga pelikula tulad ng Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, at mga serye sa iba't ibang telebisyon na labis na pinupuri ng kanyang mga fans.

Read also

Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral ang kanyang kapatid na si Eric Quizon nang ibahagi nito ang nakakatawa ngunit nakakaantig na sandali kasama si Zsa Zsa Padilla. Para sa death anniversary ni Dolphy ngayong taon, binisita niya ang mausoleum ng kanilang ama. Aang kanyang pakikipag-ugnayan kay Zsa Zsa ang siyang pumukaw sa damdamin ng netizens online.

Samantalang noong 2021, naging usap-usapan si Epy Quizon sa social media matapos niyang ilunsad ang kanyang adbokasiya na tinawag na "MagkaisaPH." Para sa kampanyang ito, isinama niya ang isang theme song na pinamagatang "Lukso ng Dugo." Gayunpaman, ibinunyag ni Epy na may isang pulitiko na nag-alok sa kanya ng ₱30M kapalit ng paggamit ng kanyang kanta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: