Mga reaksyon ni Sarah Geronimo sa "one-hour hike" nila ni Matteo Guidicelli, kinaaliwan
- Nag-viral kamakailan lang ang video ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
- Ibinihagi kasi ng aktor ang kanilang ganap sa St. Moritz sa Switzerland
- Sapul kasi sa video ang mga natural at candid na reaksyon ni Sarah sa hike
- Aniya tuloy ng ilan, talagang napaka-relatable daw ng actress-singer
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Sarah Geronimo, isang kilalang aktres at singer, ay muling kinatuwaan ng netizens matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang hindi niya napigilan ang candid at nakakatawang reaksyon sa kanilang one-hour hike kasama ang asawang si Matteo Guidicelli.
Sa Instagram post ni Matteo, ibinahagi niya ang kanilang bakasyon sa St. Moritz, Switzerland, kung saan kailangan nilang akyatin ang isang bundok. Sa kanyang caption, isinulat ni Matteo:

Source: Instagram
“The beautiful St. Moritz! Time to climb a mountain again! During winter, these are ski slopes and during summer, they’re mountain bike/hiking trails,” aniya ng sikat na aktor at entrepreneur.
Habang tumatakbo ang video, makikita ang natural na reaksyon ni Sarah na talaga namang kinagiliwan ng mga netizen. Ani pa ni Matteo sa video, “Sarah, wasn’t ready for this hike.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang ipakita ni Matteo ang sasakyan na gagamitin nila, agad na tanong ni Sarah, “Haaa? Sasakyan natin yan? Di nga?” At nang makarating na nga sila sa cable car, pabirong sabi pa ng Popstar Royalty, ”Aahh, walang upuan.”
Hindi na nga nakapagtataka kung bakit natuwa ang mga netizen sa pagiging totoo at kwela ni Sarah. Marami ang nagkomento ng papuri sa pagiging relatable ng kanyang mga reaksyon, lalo na sa mga hindi sanay sa matinding hiking o adventurous na biyahe sa ibanh bansa pati.
Patunay lang ito na kahit isa na siyang multi-awarded artist, si Sarah ay nananatiling simple, kalog, at bukas-palad sa pagpapakita ng kanyang tunay na sarili — isang katangian na lalong nagpamahal sa kanya sa masa.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Sarah Geronimo ay isang sikat na multi-awarded Filipina singer, actress, dancer, at TV personality na kilala rin bilang Asia’s Popstar Royalty sa industriya. Unang nakilala si Sarah nang magwagi sa singing competition na Star for a Night noong 2002. Bukod sa musika, nagwagi rin si Sarah sa larangan ng pelikula at telebisyon. Kabilang sa mga tanyag niyang pelikula ang A Very Special Love, You Changed My Life, Miss Granny, at Unforgettable. Sa telebisyon, naging bida siya sa seryeng Bituing Walang Ningning at Pangarap na Bituin, at naging host din siya sa mga programa tulad ng ASAP at The Voice of the Philippines, kung saan siya ay naging coach din.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nanood sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng concert ni Billie Eilish sa O2 Arena sa London. Muntik nang hindi makapasok si Sarah matapos mapagkamalan ng security na alak ang bitbit niyang alcohol. Ipinaliwanag ni Matteo na hand sanitizer lamang ang laman ng lalagyan kaya pinayagan silang makapasok.
Samantalang napatawa ni Sarah Geronimo ang maraming netizens dahil sa kanyang natural at nakakatawang reaksyon. Sa YouTube, nag-upload si Matteo Guidicelli ng isang 28-minute vlog tungkol sa kanilang bakasyon. Kamakailan lamang ay nagtungo ang mag-asawa sa Venice at Brunico, na talaga namang ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Ngunit habang nasa Brunico, nagkaroon ng nakakatuwang asaran ang dalawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh