Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: “Ako duha ka anak”

Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: “Ako duha ka anak”

  • Naging usap-usapan kamakailan lang ang dating aktres na si Ellen Adarna
  • Sa Instagram, ipinakita ni Ellen ang message na natanggap niya nito lamang
  • Makikitang may umuutang sa kanya bilang pambayad sa kanilang inuupahan
  • Agad naman itong sinagot ni Ellen na may halong pagkaprangka sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging usap-usapan si Ellen Adarna matapos niyang maglabas ng isang prangkang tugon sa isang tao na humihingi ng tulong pinansyal sa kanya. Sa kanyang Instagram account na @maria.elena.adarna, ibinahagi ng dating aktres ang screenshot ng mensahe na natanggap niya mula sa isang taong humihiling ng pera para pambayad sa kanyang inuupahang tirahan.

Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: “Ako duha ka anak”
Photos: @magicliwanag via @maria.elena.adarna on Instagram
Source: Instagram

Sa screenshot na kanyang ipinost, mababasa ang pakiusap ng isang indibidwal na tila nasa matinding pangangailangan at humingi na nga ng tulong sa dating aktres sa kanyang PM.

“Dzae, need lang ug help. I’m in debt, in need ko ug makabayad sa rent na 18k. Bisan ug rent lang, dzae, please. Maluoy ka sakon. Do mabuang nakos ngita utangan wa jud. I swear to God, this is for my rental house payment. Grabeh jud ang life karon. Wa nako kabutwa 4 months. I spent too much sa laki hasta ngka utang nako. Hayst, hoping ma-help mo ko,” aniya ng netizen sa post.

Read also

Katrina Halili, aliw na aliw sa reaksyon ni Katie sa kanilang smart lock: "Sorry, Katie"

Hindi naman nag-atubiling sumagot si Ellen, at prinangka na nga ito, diretsahan niyang sinabi:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Naol! May ka dai, laki ra imong gi gastohan — ako duha ka anak. Pag shor dinha. Pag-loan sa banko or unsa ba. Oag ampu mag uwan ug kwarta kai sabayan takag ampu na bagyohon tag kwarta,” aniya ng celebrity mom sa kanyang now-viral Instagram story na ipinost niya.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang post ni Ellen mula sa netizens. May mga natuwa sa kanyang pagiging totoo at walang paligoy-ligoy na sagot at may iba naman na napaisip.

Kilala si Ellen sa kanyang no-filter attitude at pagiging vocal sa social media. Isa rin siyang hands-on mom sa kanyang dalawang anak, at madalas niyang ibahagi ang kanyang mga pananaw sa buhay sa pamamagitan ng Instagram o sa mga online Q&A sessions niya.

Ellen Adarna, prinangka ang umuutang sa kanya: "Ako duha ka anak”
Screenshot mula sa Instagram ni @maria.elena.adarna
Source: Instagram

Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.

Read also

DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagkaroon ng nakakaaliw na palitan sina Ellen Adarna at Beauty Gonzalez. Kamakailan ay nag-post kasi si Ellen ng mga pictures mula sa kanyang beach vacation. Pumunta kasi sila ng kanyang pamilya sa isang bonggang resort sa El Nido, Palawan. Dahil dito ay napa-comment tuloy si Beauty na agad namang napansin ni Ellen online.

Samantalang ay naantig ang damdamin ng mga netizen dahil kay Ellen Adarna. Kamakailan, nag-post si Ellen sa Instagram upang batiin ang kanyang anak na si Elias Modesto ng maligayang kaarawan. Sa kanyang post, ibinahagi ng celebrity mom ang ilang litrato ni Elias na hindi pa kailanman naipapakita sa publiko, na talaga namang ikinatuwa ng maraming fans.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco