Natanggap na mga texts ni Jericho Rosales mula kay Santino, nagpaantig online
- Si Jericho Rosales, na isang dating matinee idol, ay nagpaantig sa puso ng marami
- Kamakailan ay ibinahagi kasi ni Jericho ang mga texts na natanggap niya kay Santino
- Sapul kasi sa mga text messages na ito kung gaano ka-close si Santino sa kanyang ama
- Dahil dito, maraming netizens ang talagang nag-iwan ng positive messages para sa dalawa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Jericho Rosales, dating matinee idol at isang kilalang aktor, ay muling pinahanga ang publiko — hindi dahil sa kanyang pag-arte kundi sa pagiging isang mapagmahal na ama. Umantig kasi sa puso ng netizens ang isang screenshot na ibinahagi niya sa Instagram noong Monday, July 28, kung saan makikita ang kanilang palitan ng mensahe ng kanyang anak na si Santino Rosales.

Source: Instagram
Sa screenshot, unang bumati si Santino sa kanyang ama ng, "Morning, dad! Am so near you today. Coaching kids for football hehe." Ikinuwento rin ni Santino ang naging encounter niya sa isang fan ni Jericho at kung gaano ito ka-excited sa new film ng huli: "I met a fan of yours yesterday. He's so hyped for Quezon. It's a good sign. Many people are excited about it! Miss you, dad!"
Matatandaang gaganap si Jericho bilang yumaong dating Pangulong Manuel L. Quezon sa isang inaabangang biopic film na talaga namang ikina-excite ng maraming fans ng kilalang aktor.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa caption ng kanyang Instagram post, maikling nagbahagi si Jericho ng alaala tungkol sa kanyang anak noong bata pa ito: "This one's for my boy. When he was a kid he would pull my hand and drag me to point at posters of films he wanted to watch together," aniya Jericho.
Nagbigay naman ng nakakatuwang reaksyon si Santino sa post ng ama at sinabing, "Good job, Manuel! Hahaha love you, dad," kung saan ni-reference pa nga ni Santino ang role ni Jericho.
Maraming netizens ang naantig, at mas lalong humanga kay Jericho hindi lamang bilang isang artista, kundi bilang isang ama na malinaw na may matibay na koneksyon sa kanyang anak.
Si Jericho Rosales ay isang kilalang aktor at singer na hinahangaan dahil sa kanyang husay at versatility sa pag-arte. Naging tanyag siya sa mga hit teleserye tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife. Kilala sa kanyang matinee idol looks at labis na husay sa pag-arte, si Jericho ay nakatanggap ng mga papuri mula sa mga kritiko at ilang parangal para sa kanyang mga papel sa mainstream at independent films tulad ng Baler at Alagwa. Sa personal na buhay, ikinasal si Jericho kay Kim Jones noong Mayo 2014. Gayunpaman, naghiwalay rin sila noong 2019.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinaaliwan ng netizens ang Instagram Stories ni Jericho Rosales tungkol sa coastal waste. Gumamit ang aktor ng witty na captions sa bawat basurang nakita at nakuha niya. Ilan sa mga basurang nakita niya ay deodorant, soy sauce pouch, at fast-food cup. Kasabay nito, napag-usapan din online ang isyu ng environmental responsibility.
Samantalang noong May ay umani ng atensyon si Jericho Rosales matapos siyang maglabas ng matapang na babala online. Sa kanyang Instagram account, direkta niyang tinawag ang pansin ng isang tao sa likod ng pekeng Facebook account na ginamit ang kanyang pangalan at larawan. Ayon kay Jericho, "We don't know who you are, but we know what you want."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh