Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko

Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko

  • Pinuna ni Ogie Diaz ang umano’y di kanais-nais na asal ni Fyang Smith matapos lumabas sa PBB
  • Sa panayam sa Kapuso show na ‘Your Honor’, tahasan niyang inilahad ang mga insidente
  • Ilan sa mga nabanggit ay ang kawalan ng respeto ni Fyang sa ilang beteranong artista at staff
  • Umani ng batikos si Ogie mula sa fans ni Fyang na mabilis na nag-resbak online

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi pinalampas ni Ogie Diaz ang mga napapansin niyang umano’y hindi magandang asal ni Pinoy Big Brother Gen11 Big Winner Fyang Smith sa labas ng reality show.

Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko
Ogie Diaz, nagpahayag ng saloobin tungkol sa pag-uugali ni Fyang Smith sa publiko (📷Ogie Diaz/Facebook)
Source: Facebook

Sa naging panayam sa programang Your Honor ng GMA Network, diretsahang pinuna ng batikang talent manager ang ilang mga kilos ni Fyang na aniya'y hindi katanggap-tanggap sa industriya ng showbiz. Hindi rin niya itinago ang pagkadismaya sa ilang insidente na tila nagpapakita ng kawalan ng respeto ni Fyang sa mga mas nakatatanda at kapwa artista.

“Si Fyang, paglabas niya bitbit nya padin yung ugali niya,” panimula ni Ogie. Ikinuwento niyang may pagkakataon na hindi raw nakilala ni Fyang si Pops Fernandez at napatanong pa si Martin Nievera ng, “Where did you get this girl?”

Read also

Sharon Cuneta reacts to Joross Gamboa's recent post: "I am so proud of you"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Ogie, may pangyayari rin na hinampas ni Fyang ang isang marshal na nakaharang sa kanyang daraanan. Isa pa sa nabanggit niya ay nang diumano'y dinadakma ni Fyang ang ibabang bahagi ni JM Ibarra habang kumakanta, at may insidente rin kung saan dinilaan daw nito sa mukha si Dingdong Bahan habang nagsasalita.

Hindi pa doon nagtapos ang kanyang pagsasalita. Aniya, “Then yung sinabi niya na walang makakatalo sa Batch nila kahit anong itapat. Breaking nga raw.” Ayon kay Ogie, dapat ay may kaakibat na kababaang-loob ang pagiging Big Winner at hindi ito dapat gawing lisensya upang ipagmalaki ang sarili sa paraang hindi maganda.

Dahil sa kanyang mga pahayag, agad na umani si Ogie ng mga pambabatikos mula sa mga tagasuporta ni Fyang Smith. Hindi rin sila nagpatinag at inakusahan si Ogie ng panghuhusga at pang-aapi sa bagong talento. Sa kabila nito, nanindigan si Ogie sa kanyang paniniwala na ang ugali ay mahalagang aspeto sa tagumpay ng sinumang nagnanais ng mahabang karera sa showbiz.

Read also

Yen Santos, humingi ng tawad sa nasaktan sa kanyang nakaraang relasyon

Si Fyang Smith ay tinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Gen11, isang edisyon na tumampok sa mga kabataang may potensyal sa iba’t ibang larangan. Nakilala siya sa kanyang pagiging palaban, matapang, at kakaibang energy na naging paborito ng ilang manonood. Subalit sa kanyang paglabas ng bahay ni Kuya, tila unti-unti siyang nasasangkot sa ilang kontrobersiya dahil sa kanyang kilos sa publiko.

Hindi ito ang unang beses na binigyang-pansin ni Ogie Diaz ang kilos ni Fyang. Sa isa sa kanyang mga vlog, nagpahayag siya ng masinsinang payo kay Fyang, kung saan sinabi niyang, “Big Winner ka pa mandin”, bilang paalala sa responsibilidad na kaakibat ng titulong kanyang tinanggap. Basahin ang buong detalye dito:

Bukod kay Fyang, naging usap-usapan din kamakailan si Ogie dahil sa kanyang matapang na pahayag ukol sa misgendering issue na kinasangkutan ni Awra Briguela. Nagbigay siya ng maanghang ngunit makatotohanang payo para sa aktor tungkol sa respeto at pagiging mahinahon sa kabila ng mga isyu. Basahin ang balita rito:

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: