DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"

DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"

  • Si Nicole Hyala ay naging sentro muli ng usap-usapan sa social media
  • Kamakailan ay ibinida kasi ni Nicole ang CCTV footage niya sa kanyang Instagram
  • Makikita kasi sa video ang hindi inaasahang pangyayari ng Pinay DJ
  • Dahil dito, marami tuloy ang humingi ng paumanhin kay Nicole sa comment section

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Nicole Hyala, isang kilalang Filipina disc jockey, ay muling naging sentro ng usapan online matapos niyang ibahagi ang isang CCTV footage featuring herself sa kanyang Instagram page.

Noong Thursday, July 24, ini-upload ni Nicole ang naturang video sa photo-sharing app, na agad nag-viral at umani ng mahigit 1.9 milyong views lang naman, at pati na rin mga comments.

DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko"
DJ Nicole Hyala, ipinost ang CCTV footage niya: "Grabe kahihiyan ko" (@nicolehyala)
Source: Instagram

Sa nasabing clip, makikitang suot ni Nicole ang isang pulang top at itim na pantalon habang naglalakad sa loob ng lobby at paakyat na ng hagdan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nadapa siya — at muntik pa ngang tumama ang kanyang mukha sa mismong edge ng hagdan.

Read also

PNP Chief Torre inilahad ang ₱16.3M nalikom mula sa charity boxing match

Aniya tuloy ng Pinay DJ sa caption ng post: "Wala kayo sa akin. Walang baha, walang basa, pero nadadapa ako. Wala kayo sa akin. Hindi naman nakikipaglaban ang hagdan, nilalabanan ko."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang napatakbo ang dalawang lalaki upang tulungan si Nicole matapos ang insidente.

Ayon sa DJ, nangyari ito bago siya sumailalim sa operasyon kung kaya't nagbiro ito sa posibilidad na maoperahan sa leeg: "This happened PRE-operation. Buti na lang talaga hindi tumama yung mukha ko, kung hindi, di lang leeg ang ooperahan sa akin. Haha. Thank you, guardian angel."

Sa dulo ng caption, nagpasalamat si Nicole sa dalawang lalaking tumulong sa kanya: "Also, I love how sila Kuya rushed to my rescue. Hindi na ako nagpa-alalay paakyat kahit napakasakit ng tuhod at siko ko. Grabe kahihiyan ko eh. Wish ko talaga kainin ako ng lupa. Hahahahaha!"

Hindi napigilan ng mga netizen ang matawa sa kabila ng insidente, at marami ang nagkomento ng paghingi ng paumanhin dahil sa pagtawa nila sa video. Sa kabila ng kahihiyan, pinatunayan ni Nicole ang kanyang kakayahang gawing nakakatawa ang pinaka-awkward na mga sandali.

Read also

Alex Gonzaga, napa-"ay sandale" sa beach photos ni Zeinab Harake

Panoorin ang video sa ibaba:

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni DJ Nicole Hyala sa social media ang mga positibong balita tungkol sa kanyang kalusugan. Inihayag niyang siya ngayon ay nasa landas na ng paggaling matapos sumailalim sa isang total thyroidectomy na procedure. Pormal siyang na-discharge mula sa ospital noong July 20.

Samantalang noong 2021, ibinahagi ni DJ Nicole Hyala at ng kanyang asawa ang isang "miracle story" na nangyari sa kanilang pamilya. Ang kanilang anak na si Princess ay gumaling matapos mapunta sa coma dulot ng pamamaga ng utak. Gayunpaman, nakatanggap ng negatibong komento mula sa ilang kritiko ang kwento nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco