Jennica Garcia, nanawagan sa kanyang kapitbahay: "Please, alas dos na kasi"

Jennica Garcia, nanawagan sa kanyang kapitbahay: "Please, alas dos na kasi"

  • Si Jennica Garcia ay naging usap-usapan online dahil sa kanyang Instagram story
  • Sa nasabing post, ibinahagi ni Jennica ang isang pangyayari tungkol sa kapitbahay niya
  • Nanawagan na kasi ang aktres sa kanyang kapitbahay sa nasabing viral IG post na ito
  • Gayunpaman, marami pa rin ang naaliw sa pagiging open ngunit funny ni Jennica sa post

Si Jennica Garcia, ang Pinay actress na kilala sa kaniyang pagiging bukas at totoo sa social media, ay muling naging usap-usapan online matapos ang kanyang bagong Instagram story kung saan siya ay tila nananawagan sa kanyang kapitbahay nang siya ay magising ng madaling araw.

Jennica Garcia, nanawagan sa kanyang kapitbahay: "Please, alas dos na kasi"
Jennica Garcia, nanawagan sa kanyang kapitbahay: "Please, alas dos na kasi" (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Sa nasabing post na ibinahagi niya ng 2:10 AM, makikita ang video ng kisame sa loob ng kanyang kuwarto habang may maririnig na alarm na patuloy na tumutunog mula sa itaas — na ayon sa kanya ay nagmumula sa unit ng kanyang kapitbahay. Sa mahina at mahinahong boses, narinig si Jennica na nagsabing, "Sana magising ka na kasi ako yung nagising eh, please, alas dos na kasi."

Read also

Kylie Verzosa, ipinasilip ang bagong biling bahay sa Italy

Hindi lang dito nagtapos ang kanyang kwento. Sa parehong post, nag-iwan din siya ng maikling note na may halong comedy sa pangyayari: "Yung kapitbahay ko, bumili ata ng bagong alarm clock. Effective sa akin. Sana effective din sa kanya." Agad na umani ng reaksyon mula sa netizens ang kanyang viral post, na karamihan ay naka-relate at natawa sa kanyang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang beses na naging viral si Jennica dahil sa kanyang pagiging prangka sa social media. Noong June, naging laman din siya ng balita matapos siyang magbahagi ng video habang sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili nang siya'y ma-stuck sa loob ng elevator mag-isa.

Samantala, noong May, nag-viral rin siya matapos maglabas ng isang paalala ukol sa isang 'Santacruzan' pubmat kung saan siya ay featured, na naging usap-usapan hindi lamang ng mga netizen kundi pati na rin ng ilang local na celebrities dahil sa tila 'maling akala' nila sa post.

Read also

Xyriel Manabat sa pagiging ate niya: "Gusto ko na ang maaalala nila is family, hindi trauma"

Patuloy naman na pinupuri si Jennica ng mga tagahanga niya dahil sa kanyang pagiging open.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.

Read also

Judy Ann Santos, naiyak sa kakatawa dahil sa kinalabasan ng kanyang bine-bake

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Jennica Garcia dahil sa kanyang online post. Ibinahagi kasi ni Jennica sa Instagram page niya ang tungkol sa pagiging 'single-parent' niya. Sa nasabing post, naantig ang puso ng marami sa pasasalamat na ginawa ng aktres. Matatandaang noong 2021 ay kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco.

Samantalang ay ipinahayag ni Jennica Garcia ang kanyang taos-pusong paghanga kay Luis Manzano sa social media. Nauna rito, nag-repost si Jessy Mendiola ng mga larawan ni Luis sa kanyang Instagram kasama ang isang makahulugang mensahe. Naantig dito si Jennica, kaya naman sumulat siya ng isang mula-sa-pusong mensahe para kay Luis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco