Heart Evangelista, hindi sang-ayon sa netizen na nagkukumpara sa kanya kay Marian
- Naging usap-usapan online ang naging tugon ni Heart Evangelista matapos ikumpara siya ng isang netizen kay Marian Rivera sa isang TikTok video na tampok ang get-together nila nina Anne Curtis at Solenn Heussaff
- Ayon sa netizen, mas may “class” umano si Heart kumpara kay Marian batay sa kanyang kilos, pananalita, at ugali, bagay na agad pinuna ng aktres at fashion icon
- Hindi nag-atubiling ipagtanggol ni Heart si Marian at mariing sinabi na, “Marian is a woman of her own,” bilang pahayag ng respeto sa kapwa niya babae
- Matatandaang noong 2023 ay opisyal na nilang inanunsyo ang pagkakaayos matapos ang matagal na hidwaan simula pa noong 2011, at pareho nilang iginiit na totoo ang pagkakaibigang nabuo nilang muli
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapang na pinagtanggol ni Heart Evangelista si Marian Rivera matapos sabihing siya umano ay mas may “class” kumpara sa kapwa aktres. Sa isang TikTok post kung saan tampok ang masayang get-together nila nina Anne Curtis at Solenn Heussaff, may isang fan account na nagkomento ng, “Ganito ang class, Marian—sa kilos, sa salita, at sa pag-uugali.”

Source: Twitter
Hindi pinalampas ni Heart ang pahayag at agad siyang tumugon: “‘Wag gano’n. Marian is a woman of her own.”
Ipinakita ng aktres at kilalang fashion icon ang kanyang paggalang sa pagkatao ni Marian at pagtutol sa ganitong uri ng panghahambing. Malinaw na para kay Heart, hindi kailanman dapat gamitin ang kanyang imahe upang siraan o ibaba ang ibang babae, lalo na ang isang taong may personal siyang koneksyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang noong 2023 ay kinumpirma nina Heart at Marian na nagkabati na sila matapos ang halos isang dekada ng alitan. Bagama’t hindi inilahad ang buong detalye ng kanilang tampuhan, sinabi nilang totoo at walang halong pakitang-tao ang kanilang pagkakaayos.
Si Heart Evangelista, o Love Marie Ongpauco sa totoong buhay, ay isang aktres, artist, at kilalang fashion personality na aktibo rin sa art at philanthropy. Bukod sa pagiging isa sa pinakastylish na personalidad sa bansa, nakikilala rin siya sa kanyang pagiging vocal sa mga isyu tungkol sa kababaihan, mental health, at respeto sa kapwa.
Si Marian Rivera naman ay isang Kapuso prime actress na sumikat sa mga teleseryeng “Marimar” at “Dyesebel.” Isa rin siyang hands-on mom at kilala sa kanyang mga endorsement at charity work. Kabilang siya sa mga pinakapinagkakatiwalaang celebrity moms sa bansa.
Sa isang recent post ng Kami.com.ph, inilahad kung paano emosyonal na tinanggap ni Heart Evangelista ang suporta mula kay Rica Peralejo. Sa balitang ito, ikinuwento ni Heart kung paano siya na-touch sa pag-amin ni Rica tungkol sa pag-unawa at suporta sa kanya online. Ayon sa aktres, nakakagaan ng loob na marinig mula sa kapwa babae ang ganitong klase ng pakikipagkapwa.
Samantala, spotted si Angelica Panganiban sa isang dinner celebration para kay Heart Evangelista. Sa parehong ulat ng KAMI, kitang-kita ang closeness ng aktres sa mga piling kaibigan kabilang sina Camille Prats, Lovi Poe, at iba pa. Ipinakita ng gathering na ito ang lalim ng relasyon ni Heart sa mga kapwa niya artista at tunay na kaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh