Fhukerat, pinuna sa paggamit ng passport sa domestic flight; nagbigay ng paliwanag
- Trending ang TikTok influencer na si Kier Garcia o “Fhukerat” matapos gamitin ang kaniyang passport bilang ID sa domestic flight
- Marami ang pumuna sa kaniya online, habang may ilan din ang dumepensa at sinabing valid ID naman ang passport
- Ipinagtanggol ni Fhukerat ang sarili at sinabing mas madaling kunin ang passport kaysa sa National ID mula sa wallet
- Ayon sa DFA, ang passport ay isa sa mga pangunahing government-issued ID at legal na gamitin kahit sa domestic travel
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Umani ng samu’t saring reaksyon online ang TikTok content creator na si Kier Garcia, mas kilala bilang “Fhukerat,” matapos makita sa viral video ang paggamit niya ng Philippine passport bilang ID sa domestic flight papuntang Boracay noong Hulyo 24.

Source: Facebook
Sa naturang video na in-upload niya sa TikTok, makikitang ipinakita ni Fhukerat ang kaniyang passport bilang proof of identification, sa halip na karaniwang ID gaya ng driver’s license o National ID. Agad itong umani ng komento mula sa netizens — may mga natawa, may mga pumuna, at may ilan ding nagtanong kung bakit passport pa ang ginamit niya gayung domestic flight lamang naman ito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Wala namang mali don kasi ID naman ‘yon, ‘yon ang pag-identify ng pagkatao mo, ikaw yon,” ani Fhukerat sa isa pang follow-up video. Paliwanag pa niya, kasama rin niya ang kanyang National ID, ngunit dahil ito ay nasa pitaka, mas mabilis niyang naabot ang passport, kaya ito na lang ang ipinakita.
May ilang netizens na nagsabing dapat ay “ipinagtabi na lang ang passport para sa international travel” habang may mga sumuporta at nagsabing walang masama sa ginawa ni Fhukerat dahil ang passport ay government-issued ID na mataas ang lebel ng bisa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Philippine passport ay isang pangunahing dokumento ng pagkakakilanlan, at kabilang ito sa listahan ng mga valid government IDs na kinikilala ng iba’t ibang institusyon sa bansa. Ginagamit ito hindi lang sa international travel kundi sa mga opisyal na transaksyon, tulad ng loan applications, pagkuha ng ibang IDs, at pati sa legal documents.
Kinakailangan ng confirmed online appointment sa DFA, personal appearance, kumpletong application form, at mga supporting documents gaya ng PSA-issued birth certificate at isa pang government-issued ID. Ang mas mahigpit na proseso para makuha ito ay dahilan kung bakit ito ay tinuturing na matibay at valid na ID.
Walang patakaran sa mga paliparan na nagbabawal sa paggamit ng passport para sa domestic travel, kaya't malinaw na hindi nilabag ni Fhukerat ang anumang regulasyon.
Si Kier Garcia, o mas kilala sa social media bilang Fhukerat, ay isa sa mga rising TikTok influencers sa bansa. Nakilala siya sa kanyang comedic content at viral food vlogs. Maliban sa pagpapatawa, kilala rin siya sa pagiging mapagbigay sa kaniyang komunidad.
Sa isang KAMI article, ibinahagi ni Kier ang personal na dahilan kung bakit mahilig siyang mamigay ng pagkain sa mga nangangailangan. Ayon sa kanya, naranasan niya rin ang hirap ng buhay kaya't mas pinili niyang tumulong sa kanyang sariling paraan.
Nag-viral din kamakailan si Fhukerat sa isang scripted skit kasama si Sylvia Sanchez, kung saan totoong sinampal siya ng aktres. Tinanggap niya ito nang propesyonal at game na game pa rin sa eksena.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh