Angelica Panganiban may nakakaaliw na post ukol kay Amila: "Na-suportahan ni Tita Ria & Tito Zanjoe"
- Naghatid naman ng tuwa si Angelica Panganiban sa kanyang social media page
- Kamakailan lang ay ibinahagi kasi ni Angelica ang "kaartehan" ng kanyang anak
- Sa post, makikita ang cute na posing ni Amila Sabine, or Baby Bean, sa camera
- Bukod pa nga rito ay tinag din ni Angge sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa post
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naghatid ng tuwa at kilig si Angelica Panganiban sa kanyang mga fans at followers matapos niyang mag-post ng bagong update tungkol sa kanyang napaka-cute na anak na si Amila Sabine.
Nitong Sunday, July 27, ibinahagi ng Kapamilya star ang isang candid photo ni Amila habang sila ay nasa isang grocery run. Sa litrato, makikitang nakatayo si Amila sa loob ng push cart, suot ang isang 'Lilo and Stitch' sweater, pink na bucket hat, at pants — isang outfit na kinaaliwan ng fans.

Source: Instagram
Ngunit ang higit na nakatawag-pansin ay ang hawak ni Amila na lip product habang cute na nagpo-pose sa harap ng camera; nakangiti at tila nakapikit pa nga ang kanyang mga mata.s
Ayon kay Angelica, ang "kaartehan" ng kanyang anak ay kamakailan lang sinuportahan nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde, na parehong malapit na kaibigan ng aktres. "Na-suportahan ni Tita @ria & Tito @onlyzanjoemarudo ang kaartehan ng anak ko. Salamat sa kanyang lipstick," ani Angelica sa kanyang caption sa viral niyang post sa sikat na photo-sharing app sa phone.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kapansin-pansin din ang connection ng tatlo, dahil tulad ni Angelica, first-time parents rin sina Zanjoe at Ria. Naunang isinilang ni Angelica si Amila Sabine noong September 2022, habang sina Zanjoe at Ria naman ay tinanggap ang kanilang unang anak na si Sabino noong September 2024.
Ang post ay hindi lang nagpakita ng saya ng pagiging ina, kundi isang masayang sulyap din sa matibay na pagkakaibigan at suporta sa pagitan ng mga celebrity parents. Sa simpleng larawan at caption, muling pinasaya ni Angelica ang kanyang mga tagasubaybay dahil kay Amila Sabine.

Source: Instagram
Si Angelica Panganiban ay isang Filipina actress, komedyante, at television host na kilala sa kanyang husay sa parehong drama at komedya. Nagsimula siya bilang child actress at sumikat sa kanyang mga papel sa iba't ibang teleserye at pelikula. Ipinamalas niya ang kanyang galing sa drama sa mga teleseryeng tulad ng Pangako Sa 'Yo at The Legal Wife, kung saan hinangaan ang kanyang intense na mga roles. Kilala rin siya sa kanyang talento sa komedya, lalo na sa programang Banana Split. Noong 2022, isinilang niya ang kanyang unang anak kasama ang partner niyang si Gregg Homan, bilang bahagi ng kanyang bagong yugto bilang isang ina.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan ang comment ni Angelica Panganiban sa post ni Glaiza de Castro. Tila nag-viral kasi si Glaiza dahil sa kanyang post, kung saan isinapubliko niya ang video nila ng kanyang mister. Labis namang kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video na pumukaw sa atensyon ng maraming celebrities, di lamang si Angge.
Samantalang hindi talaga makapaniwala si Angelica Panganiban sa post ni Con Homan online. Ibinida kasi kamakailan lang ni Con ang video ng kanyang pamangkin na si Amila Sabine. Makikita at maririnig sa video ang pagkasa ni Baby Bean sa viral na 'wat hafen Vella' trend. Talagang agad namang napa-react at napa-comment si Angge dito sa kanyang Instagram
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh