Glaiza de Castro, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama: "Pahinga ka maigi"

Glaiza de Castro, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama: "Pahinga ka maigi"

  • Si Glaiza de Castro, isang Kapuso artist, ay nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Glaiza ang nakakalungkot na balita sa kanyang Instagram
  • Dito ay nagsulat si Glaiza ng isang nakakaantig na mensahe tungkol sa kanyang daddy
  • Maraming netizens at celebrities naman ang nakiramay kay Glaiza sa panahong ito

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagluluksa ngayon ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa pagpanaw ng kanyang minamahal na ama, si Alfred Galura. Nitong Saturday, July 26, ibinahagi ni Glaiza sa Instagram ang series of photos nila ng kanyang ama sa paglipas na ng mga taon — mula sa kanyang pagkabata hanggang sa mga masasayang alaala ng kanilang mga paglalakbay na magkasama.

Glaiza de Castro, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama: "Pahinga ka maigi"
Glaiza de Castro, nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ama: "Pahinga ka maigi" (@glaizaredux)
Source: Instagram

Kitang-kita sa mga larawang iyon ang pagiging close ng aktres sa kanyang ama, ngunit mas lalong naging emosyonal ang mga netizens sa mensahe na isinulat at iniwan ni Glaiza online.

Sa caption, inalala ni Glaiza ang masasayang sandali kasama ang pinakamamahal niyang ama, at ang walang kapantay na suporta nito sa kanyang mga pangarap na kanya namang nakamit.

Read also

Dasal ni Ion Perez, viral: "Bigyan niyo pa po ng mas malakas na pangangatawan ang partner ko"

"Ganito kita aalalahanin, yung mga tawa’t ngiti, boses mo lalo na pag kumakanta ka... fan na fan mo talaga ako... at salamat sa pagsuporta mo sa mga pangarap ko...," ani Glaiza sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi rin niya sa post ang kanyang labis na pasasalamat sa pagkakataong maabot ang kanyang mga pangarap habang kasama pa niya ang kanyang ama sa paglalakbay niya sa buhay.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, buong puso niyang pinasalamatan ang kanyang daddy.

"Masaya akong nakasama kitang makamtan yun. Salamat sa pagmamahal mo sa amin... sa lahat lahat... mahal na mahal kita 'tay alam mo yan... pahinga ka maigi...," dagdag pa ng aktres online.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang maraming netizens at iba pang mga kilalang personalidad sa showbiz sa comment section ng kanyang viral post. Kabilang sa mga nagpahayag ng simpatiya sina Angelica Panganiban, Jolina Magdangal, Carla Abellana, at pati si Julie Anne San Jose.

Read also

Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Glaiza de Castro ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa palabas na Cool Dudes noong 2001, at nakilala sa kanyang mga roles sa Stairway to Heaven at Grazilda, at kalaunan ay naging si Pirena sa fantasy series na Encantadia. Bukod sa pag-arte, aktibo ring singer si Glaiza. Sa kanyang personal na buhay, si Glaiza ay ikinasal kay David Rainey noong 2021 sa isang Celtic wedding ceremony na ginanap sa Northern Ireland, United Kingdom.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Glaiza de Castro dahil sa kanyang panibagong nakakaaliw na post. Sa Instagram, isinapubliko ni Glaiza ang video nila ng kanyang mister. Labis na kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video. Ngunit, ang nagpa-viral pa sa video ay ang comment ng ibang celebrities, lalo na nga ang reaksyon ni Angelica Panganiban.

Read also

ABS-CBN reporter na si Izzy Lee, viral matapos ang bagong live blooper sa Taft Avenue

Samantalang noong January ay ibinahagi ni Glaiza De Castro sa isang post sa social media ang bagong hobby na sinusubukan niyang matutunan. Sa kanyang post, nagbahagi siya ng ilang larawan na nagpapakita kung ano ang kanyang bagong kinahihiligan. Sa post, makikitang suot ng aktres ang isang outfit na tila pang-equestrian habang inaalagaan ang isang kabayo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco