Anak ni Neil Arce na si Joaquin, nabigla sa pag-repost ni Angel Locsin: "She broke her silence"
- Si Angel Locsin ay talagag binigla ang kanyang stepson na si Joaquin Arce
- Kamakailan ay na-interview ang anak ni Neil Arce sa isang press conference
- Dito ay natanong si Joaquin tungkol sa pag-repost ni Angel ng launch photos niya
- Aniya Joaquin, talagang nabigla at na-surprise daw siya sa pag-repost ng stepmom niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Angel Locsin, ang award-winning Filipina actress na matagal nang naka-hiatus mula sa showbiz simula 2022, ay naging usap-usapan matapos i-repost ang launch photos ng kanyang stepson na si Joaquin Arce. Si Joaquin, na nakatakdang pumirma sa ilalim ng Star Magic, ay opisyal nang inilunsad bilang isa sa mga bagong mukha ng talent agency ngayong taon.

Source: Instagram
Sa isang press conference para sa bagong batch ng Star Magic artists, inusisa si Joaquin tungkol sa naging reaksyon niya nang suportahan siya ni Angel sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Joaquin, hindi niya inaasahan ang post na ito ng kanyang stepmom. "My God, nagulat ako nun actually. Hindi niya sinabi sakin na i-rerepost niya yung launch post ko," ani ng binata.
Dagdag pa niya, "I was just scrolling on Instagram, nasa kotse ako, tapos biglang nakita ko na nag-pop up na may story si Tita Angel. Nung nakita ko, 'What?' As in, ako rin, nabigla, na-surprise."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi maitago ni Joaquin ang tuwa at pasasalamat sa ipinakitang suporta ni Angel, lalo pa’t matagal na itong hindi aktibo sa social media, "She broke her silence for so long, especially on Instagram, just to repost my launch post. I'm so grateful, even if stepmom ko siya? Fan din ako."
Bagamat matagal nang hindi lumalabas sa publiko, pinatunayan ni Angel na nananatili siyang isang mapagmahal at supportive na stepmom, hindi lamang sa kanyang sariling mga proyekto, kundi lalo na sa mga taong mahal niya. Sa simpleng repost na iyon, muli niyang naiparamdam ang kanyang presensiya at pagmamalasakit — isang bagay na ikinatuwa ng kanyang fans.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Angel Locsin ay isang kilalang Filipina actress at humanitarian. Umunlad ang kanyang karera sa telebisyon noong early 2000s at nakilala nang lubos nang gumanap bilang isa sa mga lead sa fantasy series na Mulawin, kasunod ang iconic role niya bilang Darna noong 2005. Matapos niyang lumipat sa ABS-CBN ay bumida si Angel sa ilang mga iconic na serye tulad ng The Legal Wife at The General's Daughter. Bukod sa pag-arte ay isa rin siya sa Asia's Heroes of Philanthropy ng Forbes at Asia's Leaders of Tomorrow ng Tatler dahil sa kanyang mga advocacies at iba't ibang fundraising campaigns na labis na hinahangaan at pinupuri ng kanyang mga fans online.

Read also
PNP Chief Torres sa hamon ni acting Davao Mayor Baste Duterte: "12 rounds ng suntukan para maganda"
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong March ay kinakitaan umano ng mga green bones ang labi ng ama ni Angel Locsin. Naibahagi ito ng kapatid ni Angel na si Ela at maging sila ay namangha nang malaman ito. Naikwento rin ng ate ni Angel kung paanong hindi iniwan ni Angel ang kanilang ama hanggang sa huling hininga nito na nagpaantig sa puso ng maraming netizens.
Samantalang nakamusta ni Ogie Diaz si Angel Locsin sa burol ng ama nitong namayapa kamakailan. Doon ay napag-usapan nila muli ang labis-labis na pagmamahal ni Angel sa kanyang ama. Katunayan, isa umano ito sa dahilan bakit pinili ni Angel na pansamantalang huminto sa showbiz. Ang ama rin ang dahilan nito kung bakit niya pinasok ang industriya sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya partikular na ang kanyang ama.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh