Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"

Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"

  • Si Pokwang, isang Kapuso star, ay muling pinahanga ang publiko sa social media
  • Kamakailan lang ay ibinunyag ni Mamang Pokie ang pamamalengke ni Manang Gina
  • Ngunit bago ito namalengke, pinaalalahanan ng aktres si Manang Gina tungkol sa 'tawad'
  • Dahil dito ay maraming netizens ang talagang pumuri kay Pokwang at sa kabutihan niya

Si Pokwang, isang Kapuso actress at comedian, ay muling pinahanga ang publiko — ngayong dahil sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa. Sa kanyang Instagram page na @itspokwang27, ibinahagi ni Pokwang ang isang simpleng paalala na kanyang sinabi kay Manang Gina bago ito mamalengke, na agad namang tumagos sa puso ng kanyang mga tagasubaybay sa photo app.

Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"
Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Ayon kay Pokwang, bago pumunta sa palengke si Manang Gina, pinakiusapan niya itong huwag na munang tumawad sa mga nagtitinda, lalo na't may matinding bagyo ngayon sa Pilipinas.

"Namalengke si Manang Gina, sabi ko, 'Wag ka na tumawa. Hayaan mo na kumita kahit papano mga binabahang nagtitinda sa palengke.'" Dagdag pa nga niya sa kanyang Instagram story, "Kawawa rin naman sila, ang hirap ng kalagayan rin nila. Kahit baha, naghahanap buhay pa rin, ingat po kayo," na talaga namang umantig sa puso ng maraming netizens sa social media.

Read also

Bagong post ni Vice Ganda, viral: "Gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Umani ng papuri mula sa netizens ang kanyang mensahe, na nagpapaalala ng kahalagahan ng pag-unawa at malasakit sa mga maliliit na negosyante, lalo na sa panahon ng sakuna. Sa gitna ng kanyang kasikatan, pinatunayan ni Pokwang na hindi nawawala sa kanya ang pagiging makatao at mapagmalasakit — isang nakakatuwang katangiang lalong nagpapamahal sa kanya sa masa.

Matatandaang isa ring negosyante si Mamang Pokie dahil siya ang may ari ng Mamang Pokwang's Gourmet na talaga namang sinusubaybayan di lamang ng mga tao, kundi pati artista.

Kaya marami talaga ang natuwa sa pagiging maintindihin ni Mamang sa kapwa negosyante niya.

Pokwang, pinaalalahanan si Manang Gina nang ito'y mamalengke: "Kawawa rin naman sila"
Screenshot mula sa Instagram ni @itspokwang27
Source: Instagram

Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.

Read also

Gov. Vilma Santos-Recto, pinawi ang pangamba sa pagkain ng isda mula Taal Lake

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post. Kamakailan ay sinagot kasi ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.

Samantalang noong February ay pumunta si Pokwang sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng reklamo laban sa isang scammer. Ayon sa Kapuso, ginagamit umano ang kanyang address sa Antipolo at ang naka-pin na lokasyon nito bilang isang staycation resort upang manloko ng mga tao. Mula pa noong December ang isyu na ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco