Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao

Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao

  • -Si Ruffa Gutierrez ay labis na nabigla sa post na ito ni Lorin Gabriella Bektas
  • -Kamakailan ay ibinunyag kasi ni Lorin na vinideohan niya ang aktres ng patago
  • -Sa video, makikita ang iba't ibang reaksyon ni Ruffa habang nanonood ng laban
  • -Ang laban na kanyang pinapanood ay ang boxing match ni Pacquiao at Barrios

Si Ruffa Gutierrez, isang kilalang aktres at TV personality, ay labis na nabigla matapos matuklasan na palihim siyang na-video-han ng kanyang anak na si Lorin Gabriella Bektas habang abalang-abala sa panonood ng laban ni Manny Pacquiao at ni Mario Barrios.

Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao
Photos: @iloveruffag, @mannypacquiao on Instagram
Source: Instagram

Sa isang viral na TikTok video na ibinahagi ni Lorin, makikita si Ruffa na lubos ang emosyon habang nanonood ng boxing match. Sa video, maririnig ang aktres na sumisigaw at sumasabay sa tensyon ng laban, kung saan paulit-ulit niyang sinasabi: "Oh my God," "Punch him," at "No!"

Sa caption ng video, nilagyan ito ni Lorin ng nakakatawang note na kinagliwan ng maraming fans: "POV: It's a Sunday in the Philippines and your mom is watching the Pacquiao fight."

Read also

19-anyos na dalaga, arestado sa tangkang panghoholdap ng taxi driver

Agad namang umani ng libo-libong views at reaksyon ang video, na umabot na sa mahigit 899,000 views sa TikTok sa kasalukuyan. Ngunit ang pinaka-funny na bahagi? Nang malaman ni Ruffa na siya ay palihim na na-video-han, "Grabeeee, you were filming meeee????" ani niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi pa doon nagtapos ang saya, dahil ibinahagi rin ni Lorin ang clip sa kanyang Instagram page, na ni-repost din ni Ruffa sa kanyang Instagram story. May pahabol pa nga siyang birong paalala: "Don't sit next to me during a Pacquiao fight! @loringabriella secretly filmed me HMP!"

Maraming netizens ang natuwa sa natural at di-inaasahang moment na ito sa pagitan ng mag-ina. Nagpakita ito ng isang mas personal at relatable na panig ng celebrity mom, na gaya rin ng maraming Pilipino, ay hindi mapigilang maging emosyonal kapag nanonood ng laban ni Pacman.

Panoorin ang video sa baba:

Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao
Screenshot mula sa TikTok ni @loringabriella
Source: TikTok

Ruffa Gutierrez, patagong vinideohan ni Lorin habang siya ay nanonood ng laban ni Pacquiao
Screenshot mula sa Instagram ni @iloveruffag
Source: Instagram

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, hinirang siyang Binibining Pilipinas at naging Second Runner-Up sa Miss World sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, may dalawang anak na babae si Ruffa — sina Lorin at Venice — sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, itinuloy niya ang kanyang edukasyon sa Philippine Women's University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022.

Read also

Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Ruffa Gutierrez dahil sa palitan nila ni Yilmaz Bektas. Kamakailan ay tinanong kasi ni Yilmaz si Ruffa tungkol sa pag-follow nito sa posts niya. Dahil dito, sinagot naman ni Ruffa ang tanong ni Yilmaz sa kanya sa Instagram. Nag-viral naman ito sa social media at talagang naging usap-usapan.

Samantalang nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang tribute sa Instagram para kay Alexa Gutierrez, na pumanaw sa edad na 38 matapos ang pakikipaglaban sa leukemia. Ibinahagi ng aktres ang ilang larawan at ipinahayag ang matinding lungkot na nadarama, at sinabing hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Alexa sa kanilang piling ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco