Bagong post ni Vice Ganda, viral: "Gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata"
- Si Vice Ganda ay nagpaantig sa puso ng marami dahil sa kanyang new post
- Kamakailan ay ibinahagi ni Vice na naisipan niyang puntahan ang kanyang ina
- Aniya Vice, niyaya niya ito na makipag-bonding sa kanya sa labas, at sa ulan
- Naging emosyonal naman ang ilan sa caption ni Vice tungkol sa pagiging present
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Vice Ganda, ang 'Unkabogable Star' ng Kapamilya network, ay muling pinahanga ang kanyang mga fans at supporters — hindi sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa, kundi sa isang emosyonal at makabuluhang pagbabahagi sa kanyang Instagram post nitong Monday, July 21.

Source: Instagram
Sa kanyang post, ibinahagi ni Vice ang larawan niya habang nakaupo sa daan, kasama ang kanyang ina at iba pa nilang pamilya, habang sila'y nagkakasiyahan sa ilalim ng malakas na ulan. Kasama ng larawan ang isang caption na puno ng damdamin at mga napagtanto sa buhay.
"Gumising ng maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan. Naisip ko yung mga araw na naglalaro ako sa ulan. Ang saya nung mga araw na yun. Napaisip ako kung anong gusto ko sa sandaling yun," panimula ni Vice, habang inaalala ang kanyang masasayang alaala noong kabataan.
Hindi na raw niya piniling dumiretso agad sa trabaho. Sa halip, sinunod niya ang kanyang puso.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Bumangon ako. Pero di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ako sa bahay ng nanay ko at inaya ko siyang maligo sa ulan. Napakasaya. Di matatawaran. Sa oras na 'to, gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata," pag-amin ni Vice sa kanyang ngayo'y viral post sa Instagram.
Sa dulo ng kanyang mensahe, nag-iwan si Vice ng isang paalala na tumimo sa puso ng netizens.
"Ang sarap. Bukas may trabaho pa ko. Pero di ko alam kung bukas uulan pa. Di rin ako sigurado kung makakapaglaro pa ako sa ulan kasama ang nanay ko. Kaya ngayon na. Ngayon na."
Umani ng papuri ang post ni Vice mula sa mga tagasuporta at kapwa celebrities niya, na naantig sa kanyang pagbabahagi ng kahalagahan ng 'being present' at ng simpleng kaligayahan sa piling ng mga mahal sa buhay, lalo na ang pamilya, na talaga namang nagpaantig sa maraming fans.

Read also
Angelica Panganiban, may nakakaaliw na reaksyon sa Japan pics ni Glaiza de Castro: "Di masakit?"
Sa panahon kung kailan abala ang lahat sa trabaho at responsibilidad, muling pinapaalala ni Vice Ganda na minsan, ang pinakamahahalagang desisyon ay ang pagiging present natin sa moment.
Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay Si Vice Ganda ay muling naging sentro ng usapan sa social media kamakailan lang. Na-interview kasi si Meme ni Karmina Constantino-Torres sa kanyang channel. Sa nasabing panayam, natanong ni Karmina si Vice tungkol kay Ion Perez at sa 'COC' nito. Matatandaang winithdraw ni Ion ang kanyang 'COC' noong 2024 bago ang Halalan.
Samantalang kagagaling lang ni Vice Ganda sa isang nakakatawang palitan ng biro kasama ang beteranang aktres at host na si Charo Santos. Sumali kasi si Charo sa 'Dance Like VG' trend kasama ang kanyang apong si Talia. Sa kanyang post, tinag niya si Vice at tinanong kung ano ang masasabi nito. Sa huli, sumagot si Vice at nag-iwan ng nakakatawang komento para kay Charo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh