Ai-Ai Delas Alas, biglang na-miss ang US nang 'ma-evict' sila ng kanyang aso
- Na-miss kamakailan lang ni Ai-Ai Delas Alas ang United States
- Sa Instagram, ibinahagi kasi ni Ai-Ai ang nangyari sa kanya
- Aniya Ai-Ai, dinala kasi niya si Sailor sa isang establishment
- Ngunit hindi niya napansin na bawal pala ang mga furbabies
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilang ma-miss ni Ai-Ai Delas Alas ang United States matapos ang isang hindi inaasahang karanasan kasama ang kanyang alagang aso na si Sailor. Sa isang Instagram post nitong Saturday, July 19, ibinahagi ng komedyante at celebrity mom ang isang video ukol dito.

Source: Instagram
Ayon kay Ai-Ai, hindi niya napansin na bawal pala ang mga alagang hayop sa kanilang pinuntahang establishment, kaya't sila ay na-evict. "Nakatambay kami sa labas dahil sa na-evict kami kasi hindi ko nakita na bawal pala ang dogs," sabi ni Ai-Ai sa ngayon ay viral na video.
Sa caption naman, inalala ng komedyante kung gaano kadali at convenient ang pagdala ng mga service dogs sa Amerika, partikular sa San Francisco, kung saan may Service Dog ID si Sailor.
"Sa part na 'to, na-miss ko tuloy sa San Fo kasi may Service Dog ID siya and allowed siya to enter sa mga establishment basta naka-cart lang siya. Sa iba naman, bawal cart, leash lang, pero masasama mo naman siya sa loob," paliwanag ni Ai-Ai sa kanyang mga fans at followers.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa niya, kaya sila nakatambay sa labas ay dahil hinihintay pa nila ang kanilang sasakyan, "Intay kasi namin yung car, pinapa-change oil and tune up, sad kami tuloy ni Sailor."
Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang video at caption. Marami ang naka-relate sa sitwasyon ni Ai-Ai, lalo na ang mga fur parents na sanay isama ang kanilang mga alaga.
Bagamat naging minor inconvenience lamang ang insidente, malinaw na ipinakita ni Ai-Ai ang kanyang pagmamahal kay Sailor at ang kahalagahan ng pet-friendly policies sa mga establishments — isang bagay na mas bukas sa ilang mga bansa gaya ng Amerika.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ai‑Ai delas Alas ay isang aktres, komedyante, mang-aawit, at personalidad sa telebisyon na tinaguriang 'Queen of Comedy.' Nakilala siya lalo na sa iconic niyang papel bilang Ina Montecillo sa pelikulang Ang Tanging Ina, na naging isa sa pinaka-iconic na comedy franchises sa Pilipinas. Sa telebisyon, hindi rin nagpahuli si Ai-Ai sa kanyang talento bilang host at aktres. Nakilala rin siya sa mga drama-series tulad ng Raising Mamay at blockbuster films gaya ng Volta, Ang Cute Ng Ina Mo, at Pasukob. Sa personal niyang buhay, ikinasal siya kay Gerald Sibayan noong 2017. Ngunit, noong November 2024, kinumpirma na ng 'Queen of Comedy' ang kanilang hiwalayan.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay tila nag-viral sa social media si Ai-Ai Delas Alas dahil sa kanyang nakakaaliw na post. Sa Instagram, ikinuwento niya na nagpunta sila ng kanyang anak na si Sancho sa Divisoria. Ngunit, habang sila ay nasa Divisoria, may ikinuwento si Ai-Ai tungkol sa isang tindera. Aniya pa nga niya, "parang ewan" daw ang ilang mga pangyayari.
Samantalang nag-post si Ai-Ai Delas Alas ng taos-pusong parangal sa Instagram kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis. Inilarawan niya ang Santo Papa bilang isang ilaw ng pananampalataya at kinilala ang kanyang hindi matatawarang pamana. Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 sa Vatican matapos ang unti-unting paghina ng kalusugan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh