Xyriel Manabat, kinilig sa comment ni Jasmine Curtis tungkol sa kanya
- Si Xyriel Manabat ay hindi talaga napigilan ang kanyang kilig dahil sa nakita niya
- Kamakailan lang ay tinag kasi siya ni Jasmine Curtis-Smith sa isang Instagram post
- Dahil dito ay napa-"hala" tuloy ang Kapamilya actress sa post na ito ng Kapuso star
- Marami naman ang natuwa sa palitan ng dalawang artista sa social media app
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Xyriel Manabat, isa sa mga kilala na Kapamilya artist, ay hindi talaga napigilang kiligin matapos siyang mapansin at i-tag ni Jasmine Curtis-Smith sa isang Instagram post niya.

Source: Instagram
Sa nasabing post, ibinahagi ni Jasmine ang ilang mga larawan mula sa special screening ng It's Okay To Not Be Okay PH, ang local adaptation ng kilalang K-Drama. Sa caption, hindi napigilan ni Jasmine na purihin ang buong production team sa likod ng project na ito ng ABS-CBN:
"A big congratulations to the team of #ItsOkayToNotBeOkayPH, such a job well and amazingly done. It felt like I was watching an original, you wouldn't guess it was an adaptation! I truly enjoyed the bites of Filipino characteristics infused seamlessly," aniya Jasmine sa Instagram.
Kasunod nito, binanggit din niya ang ilan sa mga cast members, kabilang na si Xyriel at si Enchong Dee: "@mr_enchongdee @xyrielmanabat_, you both are my fave duo — such a boppy comic relief! Enjoy na enjoy ako sayo, Chong hahahaha," pag-amin pa nga ng Kapuso artist.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nang makita ang post, agad na napa-react si Xyriel sa Instagram story ni Jasmine at sinabing:
"HALAAAAA THANK YOU PO, ATE" kasunod ang iba't iba na cute at sweet emojis, na nagpapakita ng kanyang kasiyahan at pasasalamat sa pagpuri sa kanya ni Jasmine sa social media page.
Bukod kay Xyriel, binigyang-pugay rin ni Jasmine ang kanyang ate na si Anne Curtis dahil sa comeback performance nito bilang Emilia "Mia" Hernandez sa local adaptation ng K-Drama:
"And sestra, @annecurtissmith, what a comeback! I'm so so so proud of you, the way you put so much hard work and time into this project. No BS, had to stop tears from falling because of the way the colors of each character shone and how the actors filled each role's core + heart to the brim," aniya Jasmine na nagpaantig sa puso ng maraming netizens sa kanyang Instagram.

Source: Instagram

Source: Instagram
Xyriel Manabat ay isang kilalang Filipina actress na nagsimula bilang child star sa ABS‑CBN. Siya ay unang sumikat nang matanghal siya bilang Third Runner‑Up sa talent search na Star Circle Kid Quest: Search for the Kiddie Idol. Nakilala siya lalo nang gumanap bilang young Agua at Bendita sa seryeng Agua Bendita, at lalo pang sumikat nang ginampanan ang batang Anna Manalastas sa 100 Days to Heaven. Matapos ang ilang taon ng pagiging active sa industriya, nagpahinga si Xyriel mula sa showbiz mula 2017 hanggang 2023. Kalaunan ay bumalik siya noong 2023 at agad namayagpag sa mga palabas tulad ng Dirty Linen at Senior High.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong June ay na-evict sina Xyriel Manabat at Vince Maristela sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition. Inamin ni Xyriel na inexpect na niyang ma-evict at nagbiro pa nga sa kanyang mga fans. Gayunpaman, nagpasalamat siya sa mga tagasuporta na lumaban para sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Samantalang nagbahagi si Xyriel Manabat ng masalimuot na karanasan sa kanyang pamilya noong siya ay nasa loob ng Pinoy Big Brother house. Inilahad niya kung paanong unti-unti siyang natutong patawarin ang kanyang mga magulang. Binasa ni Xyriel ang sulat mula sa kanyang ama na nagpaiyak sa kanya sa harap ng housemates.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh