Sofia Andres, may follow-up post patungkol sa kanyang suot na diamond ring

Sofia Andres, may follow-up post patungkol sa kanyang suot na diamond ring

  • Si Sofia Andres ay naging usap-usapan dahil sa kanyang bonggang diamond ring
  • Sa kanyang post, ibinahagi ni Sofia na galing ang singsing sa Burt and Gurt Jewellery
  • Agad naman nag-viral ang post ng aktres at inulan ng "congratulations" mula sa celebrities
  • Ngunit, sa gitna ng pag-viral ng kanyang post ay nag-share si Sofia ng isang follow-up note

Sofia Andres, isang kilalang Kapamilya actress, ay muling naging usap-usapan online matapos niyang ibahagi ang kanyang napakagandang diamond ring mula sa Burt and Gurt Jewellery.

Sofia Andres, may follow-up post patungkol sa kanyang suot na diamond ring
Sofia Andres, may follow-up post patungkol sa kanyang suot na diamond ring (@iamsofiaandres)
Source: Instagram

Noong Thursday, July 17, ibinahagi ni Sofia sa kanyang Instagram account ang dalawang larawan ng nasabing singsing—ang isa ay black-and-white closeup shot, at ang isa nama'y isang cute na selfie kung saan makikita siyang nakangiti habang nakapatong ang kanyang kamay sa noo.

"Diamonds are forever," ayon sa caption ng aktres na agad umani ng iba't ibang reaksyon di lamang mula sa mga netizens, kundi pati na rin sa mga local celebrities sa kanilang industriya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang agad na nag-isip na ito ay engagement ring, kaya't dagsa ang pagbati sa comment section. Ilan sa mga personalidad na nagpahayag ng kanilang "congratulations" kay Sofia ay sina Denise Laurel, Zeinab Harake, Chie Filomeno, at Bea Alonzo, kasama ang ilang mga netizens.

Ngunit matapos ang naturang viral post, agad namang nilinaw ni Sofia ang tunay na kwento sa likod ng bonggang ring sa kanyang Instagram story. Ayon sa isang screenshot na ibinahagi ng Fashion Pulis, sinabi ng aktres: "Got this for myself and it's pretty. It has my S initial at the back."

Matatandaan na si Sofia ay kasalukuyang in a relationship kay Daniel Miranda, isang kilalang race car driver, na ama rin ng kanilang napaka-cute na anak na si Zoe Natalia Miranda.

Sofia Andres, may follow-up post patungkol sa kanyang suot na diamond ring
Screenshot mula sa Instagram ni @iamsofiaandres
Source: Instagram

Si Sofia Andres ay isang sikat na Filipina actress at model. Nagsimula siya sa lokal na industriya bilang isang commercial model sa murang edad. Ang kanyang unang malaking break ay bilang si Dindi Maghirang sa teleseryeng Princess and I noong 2012, kasunod ng mga pelikulang She's the One at She's Dating the Gangster, kung saan nakasama niya ang sikat na tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Simula noon, naging tanyag na siya sa mga iba't ibang proyekto tulad ng Forevermore, Pusong Ligaw, Bagani, at higit pa. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala rin si Sofia bilang isang fashion at beauty influencer. Samantalang sa personal naman niyang buhay, si Sofia ay may anak na babae na si Zoe sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling pinahanga ni Sofia Andres ang mga netizens. Sa isang viral video niya, makikitang pumunta siya sa Valencia Public Market. Kasama lang naman ni Sofia si Daniel Miranda at ang kanilang anak na si Zoe. Marami naman ang humanga sa pagiging 'down-to-earth' ng couple at ni Zoe dahil kumain lang naman sila habang nagkakamay tatlo.

Samantalang ibinahagi rin ni Sofia Andres ang isang taos-pusong pamamaalam sa ABS-CBN Tower, na tinawag niyang simbolo ng milyun-milyong pangarap. Inalala ng aktres ang panahon na isa pa lamang siyang batang nangangarap maging artista at kung paanong naging inspirasyon sa kanya ang ABS-CBN. Ayon kay Sofia, ang tower na ito ay isang kinikilalang simbolo sa pag-asa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco