Gladys Reyes, may prangkang payo sa mga misis: “Huwag bigyan ng rason ang asawa para matukso”

Gladys Reyes, may prangkang payo sa mga misis: “Huwag bigyan ng rason ang asawa para matukso”

  • Si Gladys Reyes ay nagpapasalamat na nananatiling hindi natutukso ang kanyang asawang si Christopher Roxas, kahit may mga patuloy na sumusubok
  • Sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi niyang noon pa man ay marami nang tukso noong sila'y magkasintahan pa lamang
  • Binanggit ni Gladys na si Christopher ay guwapo at kaakit-akit, ngunit giit niya, “sa akin lang ‘yun”
  • May payo siya sa mga misis: “Huwag bigyan ng rason ang asawa para matukso... hindi sa pantulog, panggising ang isuot mo”

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagpasalamat ang aktres na si Gladys Reyes na nananatiling tapat sa kanya ang asawang si Christopher Roxas sa kabila ng mga tukso.

Photo: Gladys Reyes
Photo: Gladys Reyes
Source: Instagram

Sa panayam nila ni Vina Morales sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, ibinahagi niya ang kahalagahan ng katapatan sa relasyon.

“Lagi niya sinasabi na minsan na siyang lumakad sa... Lalo na noong kami ay mag-boyfriend at mag-girlfriend pa lamang. Siyempre marami talagang tukso, 'di ba?” pahayag ni Gladys.

Aniya, hanggang ngayon ay nagpapasalamat si Christopher na hindi siya natutukso, kahit may mga patuloy pa ring sumusubok.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tinanggap naman ni Boy Abunda ang katotohanang guwapo si Christopher.

“He's a very attractive man, tanggapin na natin,” aniya. Ngunit mariing sinabi ni Gladys na para sa kanya lamang ang kanyang asawa. “Kasi may paka-French din. Pero 'yung French na ‘yun, sa akin lang ‘yun. Kaya huwag na,” giit ng aktres.

Nagbigay rin siya ng paalala sa mga misis ukol sa pagpapanatili ng interes ng kanilang mga asawa. Para kay Gladys, mahalagang may effort din ang babae para mapanatili ang init sa relasyon.

“Hangga’t maaari, huwag natin bigyan ng rason ang ating asawa para matukso. Sabi ko nga, hindi sa pantulog, panggising ang isuot mo,” pabirong payo niya.

Bukod sa pagiging tapat, naniniwala si Gladys na ang kasal ay dapat pinagtutulungan at pinoprotektahan ng parehong mag-asawa laban sa mga tukso.

Gladys Reyes is an actress who first rose to fame after starring as 'Clara' in the hit drama television series, "Mara Clara" alongside Judy Ann Santos. She is married to Christopher Roxas and they have four children together.

In a post on social media about seven months ago, Gladys shared a video showing her and the late Jaclyn Jose in a scene in the TV series “Toda One I Love.” According to the actress, she loves working with Jaclyn, whom she called Ate Jane, because of her versatility. She said that her Ate Jane is “indeed funny on and off” the camera, adding that with one look at each other, they would immediately know what to do. Gladys also said that Jaclyn’s delivery of “punchlines, timing, and facial expressions” were all on point, and is among the many things she would miss about the late actress.

Around the same time, she also paid her respects to Jaclyn Jose at the latter’s wake. On Instagram, Gladys shared heartwarming photos and clips taken at the wake. Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Coco Martin, Vice Ganda, Alden Richards, and ABS-CBN’s COO for Broadcast Cory Vidanes, are among those spotted in Gladys’ post. Gladys also penned a heartfelt caption about the people who have been showing their love for the late veteran actress.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)