Ruffa Gutierrez, sinagot ang tanong ni Yilmaz Bektas: "Check your messages"

Ruffa Gutierrez, sinagot ang tanong ni Yilmaz Bektas: "Check your messages"

  • Si Ruffa Gutierrez ay naging usap-usapan dahil sa palitan nila ni Yilmaz Bektas
  • Kamakailan ay tinanong kasi ni Yilmaz si Ruffa tungkol sa pag-follow nito sa posts niya
  • Dahil dito, sinagot naman ni Ruffa ang tanong ni Yilmaz sa kanya sa Instagram
  • Nag-viral naman ito sa social media at talagang naging usap-usapan ng maraming netizens

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging usap-usapan online si Ruffa Gutierrez, kilalang aktres at dating beauty queen, matapos niyang mag-comment sa isang tanong na iniwan ng kanyang dating asawang si Yilmaz Bektas sa Instagram. Ang kanilang palitan ng komento ay mabilis na naging viral at umani ng atensyon mula sa netizens na tila naaliw sa nasabing interaction ng dalawa sa photo-sharing app.

Ruffa Gutierrez, sinagot ang tanong ni Yilmaz Bektas: "Check your messages"
Photos: @iloveruffag, @yilmazbktas on Instagram
Source: Instagram

Sa isang post ni Yilmaz sa photo-sharing app, napansin ng netizens ang komento ni Ruffa sa kanyang larawan. Kaya't nagtanong ito ng diretso sa komento: "Why are you still following my pictures? Thank you for liking it," ani Yilmaz, na agad namang umani ng iba't ibang reaksyon.

Kalaunan ay nagbigay ng sagot si Ruffa na lalong nagpa-init ng usapan: "Because it's the exact same photo you sent me. Check your messages please." Hindi pa doon nagtapos ang usapan, dahil sinagot pa ito ni Yilmaz at sinabing, "Because I wanted to get your opinion before publishing it."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa tila playful na palitan ng salita, maraming netizens ang naging invested sa kanilang public interaction. Lalo na nga dahil sa ibinunyag ni Ruffa noong March ngayong 2025.

Noong nakaraan, ibinunyag nga ni Ruffa na muling nag-propose si Yilmaz sa kanya, na labis niyang ikinagulat. Aniya pa nga ni Ruffa, akala raw niya ay tila nagbibiro si Yilmaz.

"Sabi ko, 'Is this a joke?' Sabi niya, 'No, I want to invite you to be in a train with me' at mag-train daw kami all over Europe. So, sabi ko, 'Totoo ba 'to o baka he's planning my murder on the plane or train?'" say pa nga ni Ruffa, na kinaaliwan naman ng marami sa social media noong March.

Ruffa Gutierrez, sinagot ang tanong ni Yilmaz Bektas: "Check your messages"
Screenshot mula sa Instagram ni @yilmazbktas
Source: Instagram

Si Ruffa Gutierrez ay isang Filipina actress, model, TV host, at beauty queen. Siya ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Noong 1993, hinirang siyang Binibining Pilipinas at naging Second Runner-Up sa Miss World sa South Africa. Sa kanyang personal na buhay, may dalawang anak na babae si Ruffa — sina Lorin at Venice — sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Bukod sa showbiz, itinuloy niya ang kanyang edukasyon sa Philippine Women's University, kung saan nagtapos siya ng Communication Arts noong 2022.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Ruffa Gutierrez ng isang tribute sa Instagram para kay Alexa Gutierrez, na pumanaw sa edad na 38 matapos ang pakikipaglaban sa leukemia. Ibinahagi ng aktres ang ilang larawan at ipinahayag ang matinding lungkot na nadarama, at sinabing hindi pa rin siya makapaniwalang wala na si Alexa sa kanilang piling ngayon.

Samantalang noong June ay labis na naantig si Ruffa Gutierrez sa social media. Hinonor kasi siya ng isa sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz na si Mariel Padilla sa Instagram. Sa post ni Mariel sa Instagram, nagbahagi siya ng ilang larawan mula sa selebrasyon ng kaarawan ni Ruffa. Kalakip nito ang isang caption na labis na nagpaantig sa puso ni Ruffa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco