Dawn Zulueta, inaliw ang netizens sa komentong iniwan niya sa post ni Christian Antolin
- Si Dawn Zulueta, isang batikang aktres, ay hindi talaga nagpahuli sa social media
- Kamakailan ay nag-viral kasi ang reaksyon niya sa video ni Christian Antolin
- Sa Instagram, nag-post kasi si Christian ng isang video tungkol sa isang office skit
- Ginamit pa nga ni Christian ang audio mula sa iconic scene ng KathNiel sa 'The Hows Of Us'
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling pinatunayan ni Dawn Zulueta, isang batikang aktres sa local show business, na hindi siya pahuhuli sa uso at tunay na in tune pa rin sa mga patok na 'Gen Z' trends sa social media.

Source: Instagram
Kamakailan, naging laman ng katatawanan at paghanga online ang reaksyon ni Dawn sa isang viral video na in-upload ni Christian Antolin, isang kilalang internet personality, sa Instagram.
Sa video, ginaya ni Christian ang iconic na "pagod na pagod na ako" na confrontation scene mula sa pelikulang The Hows of Us na pinagbidahan naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Pero imbis na karaniwang setting, nagpanggap si Christian na nasa isang opisina o corporate setup siya, sabay caption ng, "Laban lang malapit na weekend eyyyy." Ang nakakatawang take na ito ay agad na umani ng libo-libong views — at hindi rin ito nakalampas kay Dawn mismo.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa comment section, nag-iwan si Dawn ng nakakatawang reaksyon: "Maghunos dili kaaaa," kasunod ng ilang sobbing emojis na lalo pang nagpatawa sa mga netizens. Agad din namang sumagot ang internet personality at sinabing, "Halaaaa, Inang Reyna! Ito na nga kalmado na."
Nag-viral ang interaksyon na ito, at marami sa mga netizens ang natuwa sa pagiging updated ni Dawn sa mga uso ngayon, lalo na sa paggamit ng mga Gen Z emojis. Ilan sa mga komento ng netizens ay:
"MAMAAAA!!!!"
"Aliw yun may sobbing emojis HAHAHA."
"MAMA! Not the crying emoji! Gen Z na Gen Z!"
"Eh yung updated si Madam Dawn sa mga Gen Z stuff."
"Kaya lodicakes ko talaga si Miss Dawn eh, Gen Z vibes fr!"
Patunay ito na kahit beterana na sa industriya, si Dawn ay nananatiling relatable, nakakatawa, at kalog sa paningin ng mas batang henerasyon, isang bagay na kinaaliwan ng marami online.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Dawn Zulueta ay isang batikang aktres, host, at commercial model na sumikat noong 90's. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Dawn kay Anton Lagdameo Jr., isang negosyante at dating representative ng Davao del Norte, noong 1997 at naging magulang sila ng dalawang anak, sina Jacobo Antonio at Ayisha Madlen. Sa paglipas ng panahon, napanatili ni Dawn ang kanyang karisma at ganda na siya namang nagsilbing inspirasyon sa pag-aalaga sa sarili ng marami.
Sa nakaraang ulat naman ng KAMI ay ipinagdiwang ng anak ni Dawn Zulueta na si Ayisha ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal niya sa buhay. Nagbahagi si Dawn ng ilang mga larawan at video mula sa selebrasyon sa kanyang social media account. Sa caption ng kanyang post, isinulat din ni Dawn ang isang taos-pusong mensahe para sa kanyang birthday ni Ayisha.
Samantalang noong 2024 ay nag-post si Dawn Zulueta ng isang dance video kasama ang kanyang anak na si Ayisha. Sa viral video, makikitang nagsasayaw sina Dawn at Ayisha sa kanta ni Megan Thee Stallion na Mamushi. Kita kasi ang husay ni Dawn sa kanyang pagsasayaw. Maraming netizens naman ang naaliw sa mga tila 'Gen Z' trips ni Dawn kasama ang anak niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh