Danica Sotto, nagluluksa sa pagpanaw ng fur baby nila: "Wish it could have lasted longer"

Danica Sotto, nagluluksa sa pagpanaw ng fur baby nila: "Wish it could have lasted longer"

  • Si Danica Sotto ay nagpaantig ng puso ng maraming netizens sa social media
  • Nitong Thursday, July 17, may ibinahagi si Danica na isang malungkot na balita
  • Marami naman ang naka-relate sa post na ito ng celebrity mom sa Instagram
  • Bukod pa rito ay marami rin ang nakiramay kay Danica at sa kanilang pamilya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Danica Sotto, isang kilalang aktres at TV host, ay nagpaantig ng puso ng netizens matapos niyang ibahagi ang malungkot na mensahe tungkol sa pagpanaw ng kanilang fur baby.

Danica Sotto, nagluluksa sa pagpanaw ng fur baby nila: "Wish it could have lasted longer"
Danica Sotto, nagluluksa sa pagpanaw ng fur baby nila: "Wish it could have lasted longer" (@danicaspingris)
Source: Instagram

Nitong Thursday, July 17, nag-post si Danica sa kanyang Instagram account ng ilang mga larawan ni Bruno, kung saan makikita itong nakiki-bonding kasama ang kanyang buong pamilya.

Sa nasabing post, ibinahagi ni Danica na pumanaw na si Bruno, at talagang ramdam ng marami ang lungkot sa kanyang mga salita. "We will really miss you, Bruno. We are grateful for the three wonderful years we had with you. Wish it could have lasted longer," ani ng celebrity mom sa post.

Marami ang naantig sa mensaheng ito, lalo na ang mga pet lovers na nakaka-relate sa sakit ng pagkawala ng isang alagang fur baby na itinuturi na bahagi na ng pamilya ng maraming owners.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dumagsa naman ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga netizens sa comment section:

"I'm so sorry for your loss, Ate Nics."
"So sad to hear this. Run free, Bruno."
"OMG! I am so sorry to hear about Bruno. Love you guys."
"Sorry for your loss, Ms. Danica. Run free in dog heaven, Bruno."
"Oh my... Can't forget my dog, his name is also Bruno... I feel you Miss Danica."

Bagama't maikli lamang ang naging panahon ni Bruno sa kanilang pamilya, malinaw na malaki ang puwang na iniwan nito sa puso ni Danica at ng kanyang mga mahal sa buhay.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Danica Sotto-Pingris ay isang kilalang aktres at TV host sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie — parehong beteranong artista sa showbiz. Bukod sa pag-arte, nagpapatakbo rin siya ng cooking channel na tinatawag na KusiNica sa YouTube. Matapos makilala sa showbiz, nagpakasal siya kay Marc Pingris, dating PBA star, noong 2007 at pareho silang magulang ng tatlong anak na sina Jean Michael, Anielle Micaela, at Jean‑Luc. Maliban sa kanyang career at pagiging ina, nagsisilbi rin siyang inspirasyon sa maraming tao dahil sa kanyang tapat na paglalahad tungkol sa kanyang buhay, pananampalataya, at pati kalusugan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging laman ng balita si Danica Sotto matapos niyang mag-react sa post ni Vico Sotto. Muli na namang naging usap-usapan ang Mayor ng Pasig City dahil sa kanyang '360' video sa Instagram. Ito ay kuha mula sa kanyang oathtaking para sa ikatlong termino niya. Tila kinagiliwan naman ng netizens ang kakaibang 'edit' ng viral video na ito.

Samantalang ang panganay nina Danica Sotto at Marc Pingris na si Jean Michael ay nakamit ang isang bagong tagumpay. Katatapos lamang ng kanilang anak sa Grade 10. Sa isang post sa social media, ibinahagi ni Danica ang mga larawan at video mula sa completion rites. Nagpahayag rin ang celebrity mom ng taos-pusong pagbati kay Mic sa caption ng kanyang post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco