Benj Manalo, nagbigay ng update sa 'ACL recovery' isang buwan matapos ang surgery

Benj Manalo, nagbigay ng update sa 'ACL recovery' isang buwan matapos ang surgery

  • Si Benj Manalo ay umani ng atensyon dahil sa kanyang pinakabagong update
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Benj ang isang video clip niya na nagpaantig sa marami
  • Nagsulat kasi ang aktor ng isang makabuluhang mensahe tungkol sa kanyang faith
  • Ang nasabi namang post ay may kinalaman sa kanyang recovery matapos ang surgery

Si Benj Manalo, isang kilalang Filipino actor, ay umani ng atensyon online matapos niyang ibahagi ang kanyang kalagayan isang buwan matapos ang kanyang operasyon ngayong taon.

Benj Manalo, nagbigay ng update sa 'ACL recovery' isang buwan matapos ang surgery
Photos: @benj, @lovelyabella_ on Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang opisyal na Instagram page, nag-post ang aktor ng isang maikling video clip kung saan makikitang inuulit-ulit niyang bine-bend ang kanyang tuhod — isang positibong senyales ng unti-unti niyang paggaling mula sa ACL surgery na kanyang pinagdaanan kamakailan lang.

Kasama ng video ay ang caption na puno ng pasasalamat sa Diyos, "ACL recovery. You are an amazing God! Mabuhay ka! Maghari ka sa buhay ko. Sa buhay namin. Sa buong mundo!"

Read also

Video ni Mikee Quintos matapos ang kanyang medical procedure, pumalo ng 7.1M views

Ngunit higit sa caption, mas nakaantig sa damdamin ng netizens ang isinulat ni Benj mismo sa video niya tungkol sa kanyang faith at pati na rin sa pagiging thankful niya, "What am I thankful for today? I get to bend my knee almost near my bottom. ACL post op, 1 month and 16 days."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpatuloy si Benj sa pagpupuri sa Diyos dahil sa kanyang katapatan at pangongomfort sa panahon ng kanyang matinding pagsubok matapos siyang operahan ngayong taong 2025.

"Lord, thank you for being with me. You kept your promise. Since Day 1, you've comforted me. You are truly my saviour, my healer, my peace. Thank you, Father. In Jesus' name. Amen," aniya Benj.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sina Benj at ang kanyang asawa na si Lovely Abella matapos nilang ibahagi na kailangang sumailalim sa isang mahalagang operasyon si Benj, kasunod ng injury na tinamo niya sa isang laro ng basketball. Dahil dito, marami sa kanilang mga fans at followers ang talaga namang nag-alala sa kanyang kalagayan at recovery niya rin.

Read also

Abogado ng tinaguriang 'devil surgeon' na hinalay ang halos 300 nitong pasyente, namatay

Ngunit ngayon, ikinatuwa ng mga netizens ang makitang maayos na ang kanyang paggaling.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Benj Manalo ay isang Filipino aktor. Anak siya ng tanyag na komedyanteng si Jose Manalo at Anna Lyn Santos. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Pinggoy sa hit seryeng FPJ's Ang Probinsyano, pati na rin sa iba pang palabas tulad ng On the Wings of Love at Kadenang Ginto. Bukod sa telebisyon, nagtagumpay din siya sa teatro, kasama ang Rak of Aegis. Sa kanyang personal naman na buhay, si Benj ay ikinasal kay Lovely Abella noong 2021 sa Quezon City.

Sa nakaraang ulat ng KAMI noong 2024 ay kumita sina Lovely Abella at Benj Manalo ng P4 milyon hanggang P5 milyon kada buwan mula sa live selling noong kasagsagan ng pandemya. Ngunit nawala ang kanilang Facebook page na may mahigit 1 milyong followers habang nasa Singapore sila para sa isang jewelry convention na nagdulot ng matinding takot sa dalawa.

Read also

Kristel Fulgar, ipinasilip ang cozy apartment life nila ni Ha Su-hyuk sa Korea

Samantalang noong 2024 din ay nabinyagan bilang mga Christians sina Lovely Abella at Benj Manalo. Sila ay sumapi sa Victory Christian Fellowship sa Greenhills. Ibinahagi ng mag-asawa ang mga emosyonal na larawan mula sa seremonya sa kanilang Instagram. Nagpahayag si Lovely ng pasasalamat para sa kanilang spiritual journey at pati na rin sa suportang natanggap nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco