Angelica Panganiban sa video ni Glaiza de Castro at ng mister nito: "Hindi nila talaga alam"
- Si Glaiza de Castro ay tila nag-viral dahil sa kanyang panibagong post
- Sa Instagram, isinapubliko ni Glaiza ang video nila ng kanyang mister
- Labis namang kinagiliwan ng marami ang ginawa ni Glaiza sa video
- Ngunit, ang nagpa-viral pa sa video ay ang comment ng ibang celebrities
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Glaiza de Castro, isa sa mga kinikilalang Kapuso stars, ay muling kinagiliwan ng publiko matapos niyang mag-post ng isang nakakatuwang video kasama ang asawang si David Rainey.
Sa naturang video na umani na ng mahigit 456,000 views sa Instagram, makikitang tinuturuan ni Glaiza si David ng isang dance trend — at todo effort man ang huli, nahirapan pa rin ito sa sayaw.

Source: Instagram
"Dahil nga nasa dancerist era na ako, naisip kong i-share mga natutunan ko sa asawa ko. So proud of you, @david_rainey89," ani Glaiza sa kanyang caption na kinaaliwan ng maraming tao.
Ngunit bukod sa dance video, ang mga komento ng ilang celebrities ang siyang lalo pang nagpasaya sa mga netizens. Si Kakai Bautista, isang kilalang komedyante, ay simpleng nag-comment ng pangalan ni David in all caps, na agad sinagot ni Glaiza ng, "Hahahahahaha G beshie ko!!!!!" Samantalang si Iza Calzado naman ay napa-comment ng, "You guys are so cute!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pero ang pinaka nag-viral sa lahat ay ang banat ni Angelica Panganiban na nagsabing, "Hindi nila talaga alam sino mga pinakasalan nila..." na agad din namang sinagot ni Glaiza ng, "Akala nila..."
Matatandaang isa si Angelica sa mga matalik na kaibigan ni Glaiza sa mundo ng showbiz. Sa mga nakaraang taon ay naging laman ng headlines ang kanilang solid na samahan bilang friends.
Nag-uumapaw sa good vibes at kulitan ang naturang post, at muling pinatunayan ni Glaiza na bukod sa pagiging mahusay na aktres at singer, ay isa rin siyang nakakaaliw na partner.
Panoorin ang video sa ibaba:

Source: Instagram
Si Glaiza de Castro ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa palabas na Cool Dudes noong 2001, at nakilala sa kanyang mga roles sa Stairway to Heaven at Grazilda, at kalaunan ay naging si Pirena sa fantasy series na Encantadia. Bukod sa pag-arte, aktibo ring singer si Glaiza. Sa kanyang personal na buhay, si Glaiza ay ikinasal kay David Rainey noong 2021 sa isang Celtic wedding ceremony na ginanap sa Northern Ireland, United Kingdom
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinahagi ni Glaiza De Castro sa isang post sa social media ang bagong hobby na sinusubukan niyang matutunan. Sa kanyang post, nagbahagi siya ng ilang larawan na nagpapakita kung ano ang kanyang bagong kinahihiligan. Sa post, makikitang suot ng aktres ang isang outfit na tila pang-equestrian habang inaalagaan ang isang kabayo.
Samantalang isang video ni Glaiza De Castro mula sa GMA Gala 2024 ang kinaaliwan ng maraming netizens. Sa video, makikitang tila hindi alam ng aktres na naka-on na pala ang camera sa kanyang tabi. Nang mapansin niya ito, agad siyang yumuko at lumihis ng daan. Ang nakakatawang caption ng video na in-upload sa X ay, "tama na ang chismis, Glai."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh