Content creator na si Sir Jack, nagpahayag ng saloobin sa paggamit ng 'her' para kay Awra Briguela
- Sinita ni Sir Jack Argota ang paggamit ng "her" sa ulat ng ABS-CBN News tungkol sa graduation ni Awra Briguela
- Ayon sa kanya, hindi siya sang-ayon sa pagkakagamit ng panghalip at nagbitiw ng patutsada
- Marami ang hindi natuwa sa kanyang komento at binatikos siya ng mga tagasuporta ni Awra
- Sa kabila ng isyu, nag-congrats pa rin si Sir Jack kay Awra at sinabing "I love #Awra"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Usap-usapan online ang naging reaksyon ng content creator na si Sir Jack Argota sa paggamit ng panghalip na “her” para sa TV personality na si Awra Briguela sa isang ulat ng ABS-CBN News. Kaugnay ito ng balita hinggil sa pagtatapos ni Awra sa senior high school, kung saan ginamit ng ulat ang feminine pronoun na “her”—isang bagay na kinuwestiyon ni Sir Jack.

Source: Instagram
Sa isang Facebook post, sinabi niya, “Anong her? Goodluck bro!”—isang patutsadang agad namang umani ng batikos mula sa fans ni Awra at ilang miyembro ng LGBTQIA+ community. Ang isyu ay agad na naging mas malalim pa, dahil sa mga akusasyong misgendering na ipinupukol kay Sir Jack. Hindi rin nakaligtas ang kanyang cleft palate sa mapanirang komento ng ilan, na sinabing siya raw dapat ang tinatawag na "her."
Sa kabila nito, tila hindi naapektuhan si Sir Jack. Sa kanyang panibagong post, sinabi niya, “Ang OA nyo mga beh ha, I love #Awra.” At bilang patunay ng kanyang intensyong walang masamang hangarin, nag-post pa siya ng pagbati para sa graduation ni Awra: “Congrats mi,” kalakip ang graduation photo ng aktres. Sa isa pang post, nagbiro pa siya, “Masakit tanggapin ang katotohan na hindi ka her HERcules ka.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagtapos si Awra Briguela ng senior high school at naging inspirasyon para sa marami, hindi lamang dahil sa kanyang tagumpay kundi pati na rin sa matibay niyang paninindigan sa kanyang identidad. Sa isang bansang konserbatibo, malaki ang impact ng representasyon gaya ng ipinapakita ni Awra.
Si Sir Jack ay kilalang content creator online, madalas sa mga nakakatawang post at social commentary. Ngunit tulad ng maraming influencers ngayon, mabilis ding mapansin at mahatulan ang bawat salitang kanilang binibitawan. Ang isyu sa pagitan nila ni Awra ay hindi lamang simpleng salpukan ng opinyon, kundi sumasalamin din sa mas malawak na usapin ng respeto sa gender identity at social responsibility ng mga public figures.
Sa kabila ng kontrobersiya, maraming netizens ang nakikisangkot sa diskusyon ukol sa tamang paggamit ng pronouns at karapatan ng bawat isa na kilalanin base sa kanilang piniling pagkakakilanlan.
Sa kanyang pagtatapos, pinasalamatan ni Awra si Vice Ganda na itinuring niyang inspirasyon at gabay sa kanyang personal at acadeic journey. Ipinahayag ni Awra kung paanong ang suporta ni Vice ay naging mahalagang bahagi ng kanyang tagumpay. Isang malaking bahagi si Vice ng kanyang buhay, lalo na sa mga panahong siya ay sinusubok ng mundo.
Ipinahayag ni Awra ang kanyang damdamin matapos makamit ang kanyang high school diploma, kung saan sinabi niyang ito ay hindi pagtatapos kundi simula pa lang ng mas malalaking pangarap. Ibinahagi niya ang kanyang journey bilang isang LGBTQIA+ figure na lumaban sa diskriminasyon at hamon sa buhay. Ang tagumpay niyang ito ay mensahe ng pag-asa para sa kabataang may parehong pinagdadaanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh