Sharon Cuneta, nag-open up tungkol sa kanyang anak na si KC Concepcion
- Si Sharon Cuneta ay na-interview kamakailan lang ni Rico Hizon sa 'Beyond The Exchange'
- Dito ay naitanong ni Rico si Megastar Sharon kung kamusta na si KC Concepcion ngayon
- Aniya Sharon, tahimik lamang daw na nakatutok sa kanyang business ang panganay niya
- Bukod pa rito ay nag-open up din si Megastar tungkol sa mga naging ups and downs nila
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Sharon Cuneta, kilala bilang Megastar sa Pilipinas, ay muling nagbukas ng kanyang puso sa isang tapat na panayam kasama ang award-winning journalist at anchor na si Rico Hizon.

Source: Youtube
Sa naturang interview niya sa 'Beyond The Exchange' ng ANC 24/7, hindi pinalampas ni Rico ang pagkakataon na kamustahin si KC Concepcion, ang panganay na anak ni Sharon, sa Megastar.
Ayon kay Sharon, tahimik lamang na nakatutok sa kanyang negosyong alahas si KC, "KC's okay. She's quietly now doing a jewelry business, she went to the Gemological Institute of America to study more about jewelry aside from her business degree. She's focusing on that. She still wants to do projects in show business but it's not high on her priority list na," paliwanag nga ng Megastar.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang usisain ni Rico kung gaano na sila 'ka-solid' ngayon, nilinaw agad ni Sharon na hindi naman ito "less than solid" kailanman. "I don't think it's ever been less than solid, there's just misunderstandings and disagreements along the way, cause you know? You raised a human being, you can't expect her or him to end up exactly like you, or have your brain, you're raising an individual. We've had some clashes but she's a good kid all around. We've done our best and she always says, 'Mom, just trust in the way you raised me,'" kuwento ng aktres kay Rico sa interview.
Hindi rin nakaligtaan ni Rico na tanungin ang estado ng relasyon ni Sharon sa kanyang dating partner at ama ni KC na si Gabby Concepcion. "We're okay, but you know, when you say friends kasi it means keeping in touch constantly and checking up on each other, in that sense, we're not. But we get along, jusko, we're older na, and we have a daughter," diretsong sagot ng Megastar.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Sharon Cuneta ay isang aktres at singer sa Pilipinas na kilala bilang 'Megastar' sa industriya. Sinimulan niya ang kanyang karera sa murang edad, at agad na sumikat sa kanyang awiting Mr. DJ noong dekada 70. Mula noon, sunod-sunod ang kanyang tagumpay sa pelikula, telebisyon, at musika at nagwagi siya ng maraming parangal sa larangan ng entertainment sa bansa. Ilan sa kanyang mga iconic na pelikula ay Bituing Walang Ningning, Madrasta, at Caregiver. Sa personal niyang buhay, siya ay asawa ni Francis 'Kiko' Pangilinan at ina ng aktres na si KC Concepcion.
Sa nakaraang report ng KAMI ay naging usap-usapan si Sharon Cuneta dahil sa kanyang online post. Kamakailan ay nag-post kasi si Megastar tungkol sa pag-withdraw niya ng kaso. Matatandaang ibinalita ni Ogie Diaz na winithdraw na ni Sharon ang kaso laban kay Cristy Fermin. Kasunod nito ay isang post na nagpaantig sa puso ng mga netizens.
Samantalang ibinahagi ni Sharon Cuneta ang mga larawan ng kanyang new look kung saan makikita siyang may maikling buhok. Sa Instagram, naglagay siya ng caption na nagpapahiwatig na napagod na siya sa pagpo-ponytail at bumalik na siya sa kanyang "short hair era." Ang bagong ayos ay nagpapaalala sa mga fans ng Megastar noong kanyang kabataan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh