Manager ni Elias TV, sinabing may interview sana ito kina MJ Felipe at Boy Abunda

Manager ni Elias TV, sinabing may interview sana ito kina MJ Felipe at Boy Abunda

  • Isiniwalat ng manager ng content creator na si Elias TV na may ilang interviews itong hindi nasipot
  • Ilan sa mga ito ay ang panayam sana ng ABS-CBN Showbiz reporter na si MJ Felipe at maging sa King of Talk na si Boy Abunda
  • Ayon sa manager ni Elias, may kaugnayan pa rin ito sa pagseselos umano ng partner ng singer
  • Naglabas din ng saloobin ang manager ukol sa pinupukol sa kanyang isyu sa pagitan nila ng partner ni Elias

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isiniwalat ng manager ni Elias TV, ang kilalang content creator at singer, na hindi nasipot ng kanyang alaga ang ilang mahahalagang interviews at shows kamakailan dahil umano sa personal na problema.

Elias TV
Manager ni Elias TV, sinabing may interview sana ito kina MJ Felipe at Boy Abunda (Elias J TV)
Source: Facebook

Ayon kay Beverly Labadlabad, manager ni Elias, kinansela nito ang nakatakdang panayam kay ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe at maging ang guesting kay Boy Abunda.

“Si Elias may interview siya kay Sir MJ Felipe. Na-cancel. In-indian niya"

"Kasi wala siyang tulog. Nag-aaway kasi sila. Nakakahiya bilang manager,” ani Labadlabad. Dagdag pa niya, “Kahapon kay Boy Abunda, na-cancel.Hindi niya din pinuntahan. Kasi nga dahil din sa away nila. Kailangan niyang umuwi sa kanila.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinunyag din ng manager na may kinalaman umano sa pagseselos ng partner ni Elias sa kanselasyon ng mga ito.

Ayon pa kay Labadlabad, “Alam mo, July 11, may show siya dapat dito sa Manila. Na-cancel. Kasi hindi pumayag ‘yung babae, ‘yung partner niya.”

Nilinaw rin ng manager ang mga isyung ibinabato sa kanya kaugnay sa umano’y tensyon nila ng partner ni Elias at iginiit na wala siyang maling intensyon. Hiling niya na matapos na ang mga espekulasyon at maayos ang sitwasyon para sa ikabubuti ng career ni Elias.

Aniya, labis na itong naaapektuhan lalo pa't hanggang Nobyembre pa ngayong taon ang bookings ni Elias mula pa sa nauna niyang management. Giit ni Labadlabad, maging siya ay nahihirapan na lalo pa't ilang shows at interview na ang kailangang kanselahin dahil sa umano'y selos ng partner ni Elias.

Si Elias J. TV (real name Elias Lintucan) ay isang vlogger, frontman ng reggae group na Kalumad Band, at miyembro ng tribong Manobo mula North Cotabato. Nakilala siya sa kanyang mga dance moves at viral online content, na nagdala sa kanya ng pansin mula Mindanao hanggang sa kontrata sa ABS‑CBN Global. Matatandaang naibahagi na rin sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanyang buhay at kung ano ang naging inspirasyon niya sa kanyang nag-viral dance moves. Doon, unang isinapubliko ni Elias ang tungkol sa anak at kanyang live-in partner.

Naging maugong ang isyu ng selos mula sa partner nitong si Abegail at sa bagong manager ni Elias na si Beverly. Sa panayam ni Ogie Diaz sa manager ni Elias, sinabing nakilala lamang niya ito nang mai-book niya ang banda ni Elias sa event na bahagi umano ng kanyang kampanya. Sinabing si Elias mismo ang gumawa ng paraan na siya ay makuha nito bilang manager. Aniya, malaki na ang naitulong niya sa mang-aawit na milyon na umano ang kinita mula nang ma-manage niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica