Anak ni Baron Geisler kay Nadia Montenegro, binati ang misis ng aktor online
- Si Baron Geisler ay muling pinahanga ang publiko sa kanyang recent Instagram post
- Sa nasabing post, taos-pusong binati ni Baron ang kanyang misis na si Jamie Geisler
- Aniya Baron, napaka-swerte raw niya na si Jamie ang kanyang napangasawa
- Ngunit di lamang si Baron ang bumati kay Jamie kundi pati na rin si Sophia Angela
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Baron Geisler, isang kilalang aktor, ay muling pinahanga ang publiko — hindi sa kanyang pag-arte, kundi sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa asawang si Jamie Marie Geisler.

Source: Instagram
Sa kanyang social media post noong Monday, July 14, ibinahagi ni Baron ang isang reel kung saan makikitang may hawak siyang birthday cake para kay Jamie, kasabay ng isang mahaba ngunit taos-pusong mensahe na talaga namang nagpaantig sa puso ng marami niyang fans sa app.
"Happy birthday to the love of my life, my wife, my partner, my best friend. Jamie, I honestly can't imagine life without you. You are the light of our home, the heart of our family, and the calm in my storms. You've been my rock, my safe space, and my biggest supporter through everything."
Ayon pa sa aktor, labis ang kanyang pasasalamat sa pagkakaroon ng asawang katulad ni Jamie, at sa pagtatapos ng kanyang mensahe ay binigyang-diin niya ang kanilang pangakong sabay na tatanda. "What I told you before still stands... I want to grow old with you. And now, we're actually doing it. We feel it in the little things, like the back pains, the quiet mornings, the shared laughter after long days. We're growing old together, and I wouldn't have it any other way," aniya Baron.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit bukod sa mensahe ni Baron, isang pagbati rin ang umagaw ng pansin ng mga netizens — mula sa anak ni Baron na si Sophia Angela, na anak niya sa aktres na si Nadia Montenegro.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Sophia ang isang larawan kasama si Jamie na may simpleng caption na "Happy Birthday, Tita @jamie.marie.geisler!" na sinundan ng party emoji.
Ang larawang ito ay agad ding ni-repost ni Jamie sa kanyang sariling account, dahilan upang lalong ikatuwa ng marami ang pagiging bukas at masayang relasyon ng kanilang pamilya.

Source: Instagram
Si Baron Geisler ay isang kilalang aktor sa Pilipinas na sumikat sa larangan ng pelikula at telebisyon simula noong dekada '90. Una siyang nakilala bilang bahagi ng youth-oriented show na Ang TV, at mula noon ay naging bahagi ng maraming teleserye at pelikula. Kilala si Baron sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga kontrabida at dramatic roles niya. Bukod sa kanyang talento, naging kontrobersyal din si Baron dahil sa kanyang personal na buhay. Gayunpaman, sa mga nakaraang taon ay unti-unti siyang nagbago, bagay na kanyang ikinuwento sa publiko. Siya ay nagpa-rehab, naging mas bukas tungkol sa kanyang mental health journey, at kalaunan ay tumanggap ng mga proyekto na mas makabuluhan para sa kanyang buhay at karera.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ibinida ni Baron Geisler na matagumpay niyang natapos ang seryeng Incognito nang walang kontrobersiya. Inihalintulad niya ang karakter na si Miguel sa sarili bilang isang recovering alcoholic Umaasa siyang magkaroon ng ikalawang season ang palabas dahil sa magandang karanasan niya.
Samantalang ipinahayag ni Baron Geisler ang kanyang pagkadismaya sa publiko matapos aprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2805, na isinulong ni Sen. Robin Padilla. Si Sen. Risa Hontiveros lamang ang bumoto laban dito, dahil sa kanyang pangambang magdudulot ito ng sobrang kontrol ng gobyerno sa online content.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh