Alex Gonzaga, may nakakaaliw na paalam kay Toni Gonzaga: "Mga 18 years lang naman hinihingi ko"

Alex Gonzaga, may nakakaaliw na paalam kay Toni Gonzaga: "Mga 18 years lang naman hinihingi ko"

  • Si Alex Gonzaga ay muling kinagiliwan dahil sa kanyang bagong online post
  • Sa Instagram, ibinida ni Alex ang matching PJs nina Seve at Polly na kanyang pasalubong
  • Ngunit ang pumukaw sa atensyon ng marami ay ang pagpapaalam ni Alex sa kanyang ate
  • Aniya Alex, sana raw ay mahiram kasi niya si Baby Polly na kinaaliwan ng marami

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Alex Gonzaga, isang aktres at kilalang internet personality, ay muling kinagiliwan ng mga netizens matapos magpatawa sa kanyang bagong Instagram post noong Sunday, July 13.

Alex Gonzaga, may nakakaaliw na paalam kay Toni Gonzaga: "Mga 18 years lang naman hinihingi ko"
Photos: @niceprintphoto via @cathygonzaga on Instagram
Source: Instagram

Sa naturang post, ibinahagi ni Alex ang ilang adorable photos ng kanyang pamangkin na sina Seve at Polly — mga anak ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Agad napansin ng netizens ang suot ng dalawa: B&W na matching pajamas na ayon kay Alex ay pasalubong niya mula sa Canada.

Ngunit ang talagang nagpaaliw at nagpatawa sa mga followers niya ay ang makulit na caption ni Alex kung saan pabirong humihiling siya na "hiramin" si Polly mula sa kanyang Ate Toni.

"My cute babies wearing our pasalubong from Canada! Hehehe ang cute grabe! Celestine, pahiram kahit kay Polly lang, mga 18 years lang naman hinihingi ko eh, di naman habang buhay... ang lupit mo sis @celestinegonzaga," ani Alex sa caption ng kanyang viral post sa nasabing app.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa kanyang witty na hirit, umani agad ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga komento na nagpa-good vibes sa post ng actress-vlogger sa Instagram:

"Natawa talaga ako sa caption ni Alex."
"HAHAHAHA Pagbigyan niyo na po! 18 years lang naman pala!"
"Sweet na tata, ang swerte nila Seve and Polly."

Sa kabila ng katatawanan, marami ring netizens ang nagpaabot ng dasal at positibong mensahe para kay Alex, na matagal nang nagdadasal na magkaroon sila ng anak ni Mikee Morada.

"I'm praying for you po, Ms. Alex."
"Praying that day will come in God's perfect timing!"

Ipinapakita ng post na ito na hindi lamang ang sense of humor ni Alex kundi pati na rin ang kanyang pagmamahal at close bond sa kanyang mga pamangkin ang ikinatuwa ng marami.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Alex Gonzaga, na ipinanganak bilang Catherine Mae Cruz Gonzaga, ay isang sikat na Filipina actress, TV host, vlogger, at singer. Bukod sa kanyang trabaho sa showbiz, isa rin si Alex sa mga top YouTubers sa Pilipinas. Kadalasang tampok sa mga video niya ang kanyang pamilya, kabilang na ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga at ang kanyang asawa na si Mikee Morada.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay tila nag-viral si Alex Gonzaga dahil sa kanyang nakakaaliw na reaksyon. Kamakailan ay nag-viral kasi ang video ng isang agent na tila 'lookalike' niya. Dahil dito ay agad na napa-comment si Alex at may hirit pa nga sa ahente na ito. Bumuhos tuloy ang mga nakakaaliw na comment at jokes mula sa mga netizens sa social media.

Samantalang muling nagdala ng good vibes online si Alex Gonzaga. Noong Thursday, June 19, ibinahagi ni Alex ang isang nakakaaliw niyang video sa hotel. Marami naman ang naaliw sa todo-bigay na pagsasayaw ni Alex kahit siya ay jetlag pa rin. Pero mas nag-viral nga ang video dahil sa kakaibang suporta ng kanyang mister sa video at sa pagsasayaw niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco