Bettina Carlos, binalikan ang pag-iwan niya sa 'biological dad' ni Gummy noon

Bettina Carlos, binalikan ang pag-iwan niya sa 'biological dad' ni Gummy noon

  • Si Bettina Carlos ay naimbitiahan ni Toni Gonzaga kamakailan lang sa 'Toni Talks'
  • Dito ay nag-open up si Bettina tungkol sa biological dad ng kanyang anak na si Gummy
  • Sa naturang episode, binalikan ni Bettina ang panahong iniwan niya ang ama ni Gummy
  • Aniya Bettina, "I tried to work things out, pero lahat talaga pinag-aawayan namin"

Si Bettina Carlos, isang kilalang aktres at host sa showbiz, ay muling nagbukas ng kanyang puso sa publiko sa isang emosyonal na panayam sa YouTube show ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Sa naturang episode, ibinahagi ni Bettina ang isang bahagi ng kanyang buhay bilang isang ina—at kung paano siya napilitang iwan ang ama ng kanyang anak, si Amanda Lucia 'Gummy' Carlos.

Bettina Carlos, binalikan ang pag-iwan niya sa 'biological dad' ni Gummy noon
Photos: Toni Gonzaga Studio on YouTube | @bettinacarlos.eduardo on Instagram
Source: Instagram

"Feeling ko kasi, the way I was living before I got pregnant, was my life had no purpose. I think it was when I became a mother that I started to have purpose in my days. Why do I work? May binubuhay ako. Why do I want to be a good person? A respectable woman? May babae akong anak. So, slowly, nagkaroon ng meaning as to why I do what I do," pagbabahagi ni Bettina.

Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataong magsalita tungkol sa ama ni Gummy. Ayon kay Bettina, sinubukan niyang ayusin ang relasyon nila, ngunit hindi ito naging madali: "Dun sa biological daddy niya, I tried to work things out, pero lahat talaga pinag-aawayan namin."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naikwento rin niya na isang araw, matapos siyang makausap ng isang college barkada tungkol sa religion, naisipan niyang dalhin ang pamilya sa church. Ilang ulit din nilang ginawa ito bilang isang paraan upang pagsikapan ang pagiging buo. Umabot pa nga sa puntong niyaya sila ng biological father ni Gummy na mag-sleep over sa kanilang bahay. "Nagyaya mag-sleep over yung biological dad sa kanila kasi we were not living together so ako, ‘Okay!’ Nag-impake ako ng mga gamit para sa isang linggo, punta kami, tas the next morning, we fought," paggunita ni Bettina.

Bagama't hindi isinalaysay ni Bettina ang buong detalye ng kanilang pagtatalo, inalala niya ang matinding galit na ipinakita ng ama ni Gummy: "He left the house, he was gone the whole day, and then he said words that made me angry and ask, ‘Grabe ha, hindi mo pa ako asawa, ganyan mo na ako pagsalitaan.’ That night, pagbalik niya, so akala ko okay na kasi lumipas na yung buong araw, eh galit pa rin siya and then he hit the wall behind me in his anger. Sinuntok niya," aniya Bettina.

Sa puntong iyon, nagdesisyon si Bettina na tapusin na ang relasyon. "Alam niya yung history ko, alam niya I came from an abusive relationship na physical. First boyfriend, 3 and a half years. So alam niya na hinding hindi ko ito-tolerate yun, but he hit the wall," aniya Bettina kay Toni.

At dito na siya tuluyang lumayo: "Coming from where I came from? I will not tolerate this and hindi tayo mag-asawa, oo, may anak tayo, but I don't need to stay in this relationship. So umalis siya, nagsulat ako sa post it note: 'Forget that you ever had a family,'" pagkwento pa nga niya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Bettina Carlos ay isang Pilipinang aktres at host. Sinimulan niya ang kanyang karera sa edad na 15 sa GMA Network. Kalaunan ay lumipat siya sa ABS-CBN bago muling bumalik sa GMA noong 2012. Bukod sa pag-arte, naging host din siya ng cooking show na Idol sa Kusina. Sa kanyang personal na buhay, may anak si Bettina na nagngangalang Amanda Lucia. Ikinasal siya kay Mikki Eduardo noong December 2020, at noong 2022 ay isinilang ang una nilang anak na magkasama, si Amina Elizabeth. Bukas ding ibinabahagi ni Bettina ang kanyang karanasan bilang single mother noon at ang buhay ng kanyang pamilya sa La Union, kung saan binibigyang-diin niya ang kanyang pananampalataya at katatagan sa buong paglalakbay ng kanyang buhay.

Sa nakaraang ulat ng KAMI nag-post si Bettina Carlos sa kanyang opisyal na Instagram page ng ilang sulyap sa kanyang buhay bilang mapagmahal na ina sa dalawang anak na babae. Nag-upload siya ng mga sweet na larawan na nagpapakita ng simple ngunit makabuluhang buhay nila ng kanyang mga anak. Ipinahayag din ng aktres-host kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang mga anak at ang labis niyang pasasalamat sa Diyos.

Samantalang noong 2023 ay nagluksa si Bettina Carlos sa pagpanaw ni Kuya Borgie, isa sa kanyang mga step-sibling. Hindi sila naging malapit sa isa't isa dahil magkaibang bahay sila lumaki. Gayunpaman, inilarawan ng kanyang mga kamag-anak si Kuya Borgie bilang masayahin, nakakatawa, maalaga, guwapo, at responsableng tao. Ipinahayag din ni Bettina ang kanyang hangaring makasama siya balang araw sa langit.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco