Isabelle de Leon, ipinagbibili ang gamit bilang paghahanda sa pag-alis patungong U.S.

Isabelle de Leon, ipinagbibili ang gamit bilang paghahanda sa pag-alis patungong U.S.

  • Isabelle de Leon announced her decision to permanently move to the United States
  • The actress held an online sale of her clothes, shoes, accessories, and even stuffed toys
  • She shared that many of the items were barely used or still had tags from her tapings and guestings
  • A former child star, Isabelle is best known for her role as Duday in Daddy Di Do Du and her pageant stint in Miss World PH 2019

Nagpaalam na nga sa Pilipinas ang dating child star at aktres na si Isabelle de Leon matapos ianunsyo ang kanyang desisyong manirahan na sa Estados Unidos nang permanente.

Isabelle de Leon, ipinagbibili ang gamit bilang paghahanda sa pag-alis patungong U.S.
Isabelle de Leon, ipinagbibili ang gamit bilang paghahanda sa pag-alis patungong U.S. (📷@isabelledeleontv/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post noong Hulyo 10, inilahad ni Isabelle ang kanyang plano, kasabay ng pagbebenta ng halos lahat ng kanyang personal na gamit — mula sa damit, sapatos, accessories, hanggang sa mga stuffed toys na kanyang naipon sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Isabelle, ang mga ibinebenta niyang gamit ay kadalasang isang beses lang nagamit sa tapings o guestings, at ang iba ay may tags pa. “Mga once ko lang nagamit sa tapings, guestings yung iba may tags pa,” aniya. Naglabas din siya ng mechanics ng kanyang sale: “1k for 10 pcs of clothes, pag bumili ka ng worth 3k (30 pcs of clothes) may libre kang worth 1k (10 pcs of clothes, shoes and bags).” Malinaw din ang paalala niya sa mga bibili: “Mga serious buyers lang at wala po ako time sumagot sa mga hindi bibili.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang post, makikita rin ang mga larawan ng mga driver na kumukuha ng mga packages para sa delivery, patunay ng aktibong pagbebenta online. “Limited Time Only, Di ko sure kung kailan ang next na uwi ko po sa Pinas. kaya EVERYTHING MUST GO,” dagdag pa niya.

Matatandaang bumalik si Isabelle sa ABS-CBN noong 2020 nang maging bahagi siya ng sikat na seryeng FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Mayumi Gonzales.

Ngunit bago pa man ito, matagal na siyang kinilala bilang isa sa mga prominenteng child stars ng dekada 2000. Ang kanyang papel bilang si “Duday,” ang anak ni Vic Sotto sa sitcom na Daddy Di Do Du, ay isa sa mga pinakaminahal ng mga manonood. Isa rin siya sa mga tampok sa critically acclaimed na pelikulang Magnifico noong 2003 kung saan gumanap siya bilang kaibigan ng karakter ni Jiro Manio.

Noong 2019, sumali si Isabelle sa Miss World Philippines at nakuha ang titulong Miss Multinational Philippines. Bagamat hindi niya naituloy ang laban sa international pageant dahil sa pandemya, ipinakita niya ang kanyang kagandahan at katalinuhan sa national stage.

Sa isang feature ng Kami, makikita ang malaking pagbabago ni Isabelle de Leon mula sa pagiging child star patungo sa pagiging isang ganap na dalaga. Nakita ang kanyang transformation sa mga photos na nag-viral online, at marami ang humanga sa kanyang eleganteng beauty at classy presence.

Ipinahayag sa balitang ito ang pagsali ni Isabelle sa long-running primetime series ni Coco Martin. Ayon sa kanya, malaking karangalan ang maging bahagi ng teleserye at nakatulong ito sa muling pagbabalik niya sa showbiz pagkatapos ng ilang taon sa ibang larangan tulad ng pageantry at music.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate