Katrina Halili nang mag-tantrum si Katie sa school: "Naiiyak na po talaga ako"

Katrina Halili nang mag-tantrum si Katie sa school: "Naiiyak na po talaga ako"

  • Si Katrina Halili ay naging usap-usapan sa social media dahil sa video na ipinost niya
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Katrina kung papaanong nag-tantrum si Katie sa school
  • Maririnig sa video na sinusubukan ngang disiplinahin ng aktres ang kanyang anak
  • Inamin din ni Katrina na talagang naiiyak daw siya habang nangyayari ang tantrum

Si Katrina Halili, isa sa mga batikang aktres ng GMA, ay muling naging usap-usapan sa social media matapos niyang i-post ang isang 6-minute video kung saan makikita ang pagharap niya sa matinding emosyon ng kanyang anak na si Katie habang ito ay nasa loob ng paaralan niya.

Katrina Halili nang mag-tantrum si Katie sa school: "Naiiyak na po talaga ako"
Photos: @katrina_halili on Instagram | Maria Katrina Halili on Facebook
Source: Instagram

Sa nasabing viral na video sa kanyang Facebook page, makikita si Katie na umiiyak at tila naupo pa nga sa sahig — isang eksenang ikinagulat pa nga ni Katrina habang siya ay nagvi-video.

Sa gitna ng emosyonal na tagpo, maririnig ang aktres na kinakausap si Katie gamit ang kanyang firm na boses at sinasabing pag-aaralin na lamang niya ito sa isang paaralan sa Manila.

Kalaunan ay iniwan muna ni Katrina si Katie upang bigyan ito ng pagkakataong pakalmahin ang sarili. Sa ganitong paraan, ipinakita ni Katrina ang kanyang diskarte sa pagharap sa ganitong sitwasyon — isang paraan ng pagmamahal na may kasama pa ring disiplina at pang-unawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag ni Katrina sa caption ang dahilan sa pagbabahagi ng video: "Dito po niyo makikita na hanggang ngayon, dumadanas pa rin po tayo ng tantrums ni Katie, sini-share ko po ito sa inyo hindi para pagtawanan siya, kundi para ipaalam sa mga ausome mom na pareho lang po tayo."

Nagbigay rin siya ng payo para sa ibang magulang na dumadaan sa parehong sitwasyon: "Wag po natin sila sasabayan, lalo na at nasa labas po tayo. Makukuha po natin sila sa mahinahon na boses. Nung sinabi kong naiiyak ako, naiiyak na po talaga ako," aniya ng aktres sa nasabing post.

Sa dulo ng kanyang viral na Facebook post, nag-iwan si Katrina ng isang makahulugang paalala sa publiko na maging bukas ang isipan at pusong umunawa: "Kaya sa mga nababasa ko pong comment, yes! May ganyang moment pa rin po ako. Pero kailangan po natin lawakan [ang] isip natin. At mas intindihin po sila. Wala pong Spanish diyan. Auto translate yan, nagkamali lang."

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 32m views at 1.1m reactions ang nasabing video sa Facebook — patunay ng malawak na suporta ng mga netizen sa sitwasyong ng aktres.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Katrina Halili ay isang kilalang Filipina actress at commercial model. Nagsimula ang kanyang career sa show business matapos siyang matuklasan sa StarStruck noong 2003. Sumikat siya bilang kontrabida sa mga sikat na GMA fantaserye tulad ng Darna at Marimar. Si Katrina rin ang kauna-unahang Filipina na dalawang beses hinirang na 'S*xiest Woman' ng FHM Philippines noong 2006 at 2007. Sa mundo ng showbiz, nakatatanggap si Katrina ng malalaking papuri mula sa mga tao dahil sa kanyang malawak na acting range, lalo na sa mga antagonistic roles niya.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-open up si Katrina Halili tungkol sa vlog ni Ivana Alawi. Nito lamang ay nag-post kasi si Katrina ng isang Q&A vlog sa kanyang channel. Dito ay natanong ang aktres tungkol sa kanyang anak na si Katie Lawrence. Dahil dito ay ibinahagi ni Katrina kung paano niya hinanda si Katie bago ang vlog nila ni Ivana online.

Samantalang nag-viral si Katrina Halili dahil sa kanyang sagot sa isang netizen. Kamakailan ay ipinost kasi ni Katrina ang reaksyon ng kanyang anak. Ito ay matapos niyang bisitahin si Katie sa paaralan nito, na tila nagpaiyak naman sa huli. Dahil dito ay may isang netizen na nag-iwan ng unsolicited comment kay Katrina tungkol sa pagiging ina niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Hot: